Bea Alonzo nag-beg off sa pelikulang ‘A Special Memory’ na pagbibidahan sana nila ni Alden Richards

Bea Alonzo nag-beg off sa pelikulang 'A Special Memory' na pagbibidahan nila ni Alden Richards

POSTPONED ang dapat sana’y pagtatambal ng Kapuso stars na sina Bea Alonzo at Alden Richards sa Philippine adaptation ng “A Moment To Remember”, isang sikat na South Korean film na pinagbidahan nina Son Ye-jin at Jung Woo-sung.

Ngayong araw, May 2 ay opisyal na naglabas ng pahayag ang mga producer ng pelikula, ang GMA Pictures, Viva Films, at APT Entertainment.

“GMA Pictures, Viva Films, and APT Entertainment would like to announce the postponement of the movie, A Moment To Remember, originally topbilled by Alden Richards and Bea Alonzo, due to scheduling conflicts within the production team.

“The new production date, cast, and cinema release will be announced in due time. Thank you,” ayon sa official statement.

Ibinalita rin ng King of Talk sa kanyang TV program na “Fast Talk With Boy Abunda” na hindi na nga matutuloy ang pelikula nina Bea at Alden.

Matagumpay namang nakakuha ng pahayag mula sa Kapuso actress ang programa at sinabing pinili raw nitong huwag nang ituloy ang pelikula ngayong taon dahil puno na ang kanyang schedule.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo, Alden Richards hindi natuloy ang movie project, sino kaya ang may ‘attitude’?

Bukod pa rito ay ayaw rin ng aktres na pag-antayin pa ang iba pang mga cast ng naturang pelikula.

“In the spirit of fairness, we deemed it appropriate to advise the producers of Special Memory, a movie adaptation of A Moment to Remember, that Ms. Bea Alonzo had to respectfully beg off from this movie project due to her full schedule this year,” ayon sa statement ng kampo ng aktres.

“Ms. Bea Alonzo has contractual obligations with GMA Network to fulfill, and that shall remain as our top priority!”

Dagdag pa ni Boy, magiging masaya raw ang aktres sakaling magkaroon ng recasting ang pelikula dahil oportubidad o trabaho ito para sa kapwa artista.

Related Chika:
Abogado ni Bea nagbantang idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa farm ng aktres sa Zambales

Bea Alonzo umaming muntik nang makipaghiwalay kay Dominic Roque: ‘Yes, meron pa rin akong trust issues’

Read more...