Buhay ng legendary boxer na si ‘Big George Foreman’ masasaksihan sa pelikula
TUNGHAYAN ang boxing journey ng isa sa mga pinakahinahangaang sports figure sa kasaysayan ilang dekada na ang nakakaraan, ang legendary boxer na si “Big George Foreman.”
Ang kanyang buhay ang nagsilbing inspirasyon upang mabuo ang pelikulang “Big George Foreman: The Miraculous Story of the Once and Future Heavyweight Champion of the World.”
Para sa kaalaman ng marami, kilala si George Foreman bilang isang American professional boxer, entrepreneur, preacher at author.
Sa boxing, siya ay sikat sa pangalang “Big George” na nag-compete sa mga taong 1967 at 1997.
Dalawang beses niyang nakuha ang titulong “World Heavyweight Champion” at isa ring Olympic gold medalist.
Base sa trailer na inilabas, iikot ang istorya ni Big George sa nangyaring himala sa kanyang buhay na kung saan ay binigyan ng pangalawang pagkakataon ng Diyos.
Mapapanood sa pasilip na nagkaroon siya ng “near-death experience” sa kasagsagan ng kanyang kasikatan pagdating sa boxing.
At dahil nga muntikan na siyang mamatay ay biglang nag-iba ang kanyang pananaw at inaalay ang kanyang buhay upang maging preacher o pastor.
Ngunit naisipan niyang bumalik sa pagbo-boxing nang makita niyang naghihirap na ang kanyang komunidad.
Gumawa ng kasaysayan si George bilang pinakamatandang “World Heavyweight Boxing Champion.”
Ang pelikula ay pinagbibidahan ng American actor na si Khris Davis.
Mapapanood ang biopic film na “Big George Foreman” sa mga sinehan sa May 10.
Magkakaroon din ‘yan ng sneak previews sa darating na May 1 at 2.
Related Chika:
Mga bagong karakter sa pagbabalik ng ‘Transformers’ ipinakilala na
Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.