Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon | Bandera

Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon

Pauline del Rosario - April 28, 2023 - 05:35 PM

Denzel Washington muling bibida sa iconic film makalipas ang 5 taon

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

MAKALIPAS ang halos limang taon, muling aaksyon ang American actor na si Denzel Washington sa iconic film na “The Equalizer.”

Gagampanan ulit niya ang karakter bilang si Robert McCall sa huling chapter ng pelikula na pinamagatang “The Equalizer 3.”

Ang kwento nito ay iikot sa pagbabago sa buhay ni Robert mula nang iwan ang pagiging assassin ng gobyerno.

Mapapanood din sa trailer ng pelikula na umuwi siya sa kanyang tahanan sa Southern Italy, ngunit natuklasan niya na ang kanyang mga kaibigan ay nasa ilalim na ng kontrol ng isang mafia.

At para mailigtas ang kanyang mga kaibigan ay kailangan niyang harapin at sakupin ang mapanganib na grupo.

Bukod kay Denzel, tampok din sa pelikula ang ilang Hollywood actors na sina Dakota Fanning, David Denman at Gaia Scodellaro.

Ang “The Equalizer 3” ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na Agosto.

Matatandaang taong 2014 nang ipinalabas ang unang kabanata ng nasabing pelikula, habang ang ikalawang chapter naman nito ay noon pang 2018 na parehong pinagbidahan ni Denzel.

Related Chika:

Nicholas Cage bibida sa iconic role na ‘Dracula’, tampok din sina Nicholas Hoult at Awkwafina sa bagong horror-comedy film

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin

True story ng paring exorcist sa Vatican magpapakilabot sa pelikulang ‘The Pope’s Exorcist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending