Lucas Garcia super happy sa lovelife, suportado ng ina: 'Meron tayong dyowa...hindi tayo papatalo' | Bandera

Lucas Garcia super happy sa lovelife, suportado ng ina: ‘Meron tayong dyowa…hindi tayo papatalo’

Ervin Santiago |April 30,2023
facebook
share this

Lucas Garcia super happy sa lovelife, suportado ng ina: ‘Meron tayong dyowa…hindi tayo papatalo’

Ervin Santiago - April 30, 2023 - 07:14 AM

Lucas Garcia super happy sa lovelife, suportado ng ina: 'Meron tayong dyowa...hindi tayo papatalo'

Lucas Garcia

BONGGA ang lovelife ngayon ng Kapamilya singer na si Lucas Garcia kaya naman walang mapaglagyan ang kanyang kaligayahan.

Walang arte-arteng ibinandera ni Lucas sa madlang pipol na super happy siya ngayon dahil natagpuan na niya ang taong magmamahal at magbibigay-kulay sa kanyang personal na buhay.

“Masaya ang puso ko kasi totoo ang sinasabi natin na surround yourself with good people and positive people.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucas Garcia (@lucasnikkogrc)


“At masaya ako dahil napapaligiran ako ng mga kaibigan na masasaya, supportive at mapagmahal na magulang, mga kapatid at siyempre mayroon tayong dyowa. Hindi tayo papatalo. #NoVacancy, charot!” ang natatawang pahayag ng “Idol Philippines” finalist sa guesting niya sa “Magandang Buhay” last Thursday.

In fairness, todo suporta rin ang kanyang nanay sa lovelife ni Lucas. Kahit ano pa raw ang sabihin ng mga tao ay wala siyang pakialam basta’t nakikita niyang maligaya ang anak.

Baka Bet Mo: Panganay na anak ni Zeinab Harake 5 years old na: Ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy!

“Lagi naman, wala akong magagawa. Siyempre kapag masaya siya, doble ang saya ko. Kapag malungkot siya ay doble rin ang lungkot ko.

“Kaya lahat ng ikakasaya niya. Alam ko naman na mayroon siyang hangganan, yung hindi siya masasadlak sa masama. Basta gusto ko masaya lang,” pahayag ng nanay ni Lucas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lucas Garcia (@lucasnikkogrc)


Si Lucas ay isa sa mga miyembro ng grupong iDolls na na-disband last September, 2022. Ito ay matapos magdesisyon ang isa miyembro nito na mangibang-bansa para doon mag-aral.

Taong 2019 nang mabuo ang IDolls na kinabibilangan nina Lucas, Matty Juniosa at Enzo Almario, na mga produkto ng “Idol Philippines” na umere sa ABS-CBN.

Nang mabuwag ang iDolls, nag-release si Lucas ng kanyang awiting “Saan Na Ba” na naging hit na hit sa lahat ng mga may hugot sa kanilang lovelife.

Siniguro naman ni Lucas na bukas pa rin ang kanilang communication kahit na nabuwag na sila bilang grupo. Sa katunayan, mas naging solid pa raw ang kanilang friendship mula nang ma-disband ang iDolls.

“Meron po talaga kaming communication ni Enzo at saka ni Matty. Saka kahit po malayo kami para kaming magkakasama pa rin everyday kapag magkakausap,” sabi pa ni Lucas.

Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jon Lucas umamin sa asawa: Ikaw lang ang pinakamaganda sa paningin ko, kaso may kaagaw ka na

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending