Panganay na anak ni Zeinab Harake 5 years old na: Ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy! | Bandera

Panganay na anak ni Zeinab Harake 5 years old na: Ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy!

Ervin Santiago |July 19,2022
facebook
share this

Panganay na anak ni Zeinab Harake 5 years old na: Ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy!

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 12:57 PM

Zeinab Harake at Lucas Harake

FEELING blessed and grateful ang YouTube star na si Zeinab Harake sa pagdating sa buhay niya ng kanyang adopted son na si Lucas.

Abot-langit ang pasasalamat ng sikat at kontrobersyal na vlogger na ibinigay sa kanya ni Lord si Lucas na isa sa mga nagsilbing inspirasyon niya para magkaroon ng magandang buhay.

Kahapon, July 18, ipinadiwang nina Zeinab ang 5th birthday ng anak kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Zeinab ang cute photo nila ni Lucas kalakip ang birthday message niya para sa bagets.

“Happy birthday kuya Lucas I love you so so much higit sa buhay ko.

“Thank you for making my 5yrs happy so blessed to have u anak ikaw ang #1 boy sa heart ni mommy,” pahayag ni Zeinab.

Matatandaang inamin ng vlogger na 18 years old lang siya nang ampunin si Lucas dahil talaga raw gustung-gusto na niya noong magkaroon ng anak.

“Kasi nga gusto ko magka-baby. Oo. Nu’ng nakita ko kasi ‘yung bata, andoon ‘yung puso ko na, ‘Aww. Gusto ko ‘to. Gusto ko ‘to!” sabi ni Zeinab sa vlog ni Toni Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


May isa pa siyang anak, si Bia, ang bunga ng pagmamahalan nila ng dating partner na si Skusta Clee. Ang ikatlo sana nilang anak ng rapper-songwriter na si Baby Moon Harake ay hindi na naisilang matapos siyang makunan earlier this year.

“My baby boy, rest ka na. Mahal na mahal ka namin ni ate Bia mo. Bantayan at palakasin mo kami palagi. Di ka mawawala sa puso namin, Moon. Be our forever angel. Mommy loves you so much,” ang mensahe ni Zeinab sa kanya sanang bunsong anak.

Zeinab Harake gusto namang mag-try ng gwapong dyowa; mas gaganda ang buhay ngayong hiwalay na kay Skusta Clee

Emosyonal na mensahe ni Sharon kay Miguel: I’m grateful, honored and proud to be your mother

Rayver, Kylie, Jak nagbigay ng love advice sa isa’t isa; kissing scene ni Jon Lucas sa MTV ikinagulat ni misis

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending