Juancho Trivino walang pagsisisi na pinakasalan agad-agad si Joyce Pring: 'Ayaw naming sayangin ang oras' | Bandera

Juancho Trivino walang pagsisisi na pinakasalan agad-agad si Joyce Pring: ‘Ayaw naming sayangin ang oras’

Ervin Santiago |April 27,2023
facebook
share this

Juancho Trivino walang pagsisisi na pinakasalan agad-agad si Joyce Pring: ‘Ayaw naming sayangin ang oras’

Ervin Santiago - April 27, 2023 - 07:40 AM

Juancho Trivino walang pagsisisi na pinakasalan agad-agad si Joyce Pring: 'Ayaw naming sayangin ang oras'

Juancho Trivino at Joyce Pring

NAGPALIWANAG ang Kapuso actor at TV host na si Juancho Trivino kung bakit nag-propose siya agad-agad sa kanyang wifey na si Joyce Pring.

Tatlong taon lamang tumakbo ang love story ng celebrity couple – nagkakilala sila noong 2018 nang magkasama bilang segment hosts ng GMA morning show na “Unang Hirit.”

Kasunod nito, niligawan na agad ni Juancho si Joyce at makalipas lamang ang isang taon, ibinandera na nga nila sa buong universe ang kanilang engagement.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Siyam na buwan ang lumipas, naganap na nga ang kanilang church wedding noong February, 2020. Actually, ikalawang kasal na ito nina Juanco at Joyce dahil una na pala silang nagpakasal noong October, 2019.

“Ang end goal na namin parehas was the same, na gusto namin magpakasal ng may timeline kami in our mind,” ang simulang paliwanag ni Juancho sa panayam ng “Updated with Nelson Canlas” podcast kung bakit hindi na nila pinatagal ang kanilang engagement.

Baka Bet Mo: Dimples Romana nakaranas ng matinding postpartum depression: ‘I wake up in the morning and feel sad right away’

“So we wanted to not waste time, na sinabi namin, ‘Sige nga kung compatible tayo at kung magkakaroon tayo ng blessings from our mentors and from God let’s try, let’s try,’” ang esplika pa ni Juancho sa naging usapan nila ni Joyce noon.

Wala raw siyang nararamdamang pagsisisi sa naging desisyon niya na pakasalan agad ang kanyang misis, “Walang ounce of regret from the both of us. Lahat ng mga pinagdaanan namin kahit na after we got married, it made us who we are right now and better humans and better spouses towards one another.

“So believe in that, so ‘yung regret or ‘yung was it too soon, that regret doesn’t exist in this house,” lahad pa niya.

At sa halip daw na mag-propose siya, niyaya niya si Joyce na sumailalim sa  pre-marital at marriage counseling kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa date at venue ng kanilang kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joyce Pring-Triviño (@joycepring)


Bukod dito, binigyan din sila ng ilang kaalaman about handling money, childhood trauma, pati na ang tungkol sa kanilang past relationships and experiences.

“Parang clear that out of the way and if we’re still okay to get married and know why we’re doing it, okay, sige, go,” ani Juancho.

Malaking bahagi raw talaga ang morning show na “Unang Hirit” sa kanilang love story, “From Monday to Friday, from 2 a.m. hanggang makauwi kami 8:30 a.m., lagi lang kami nag-uusap.

“As in para kaming nagpe-paid date every day during our time in UH. Kaya sobrang na-expedite yung dating stage, ‘yung getting to know stage.

“On top of that, you know, we went to church together. We figured out parehas ‘yung spiritual desires namin at saka where we were spiritually, kung ginagawa lang ba namin to para sa sarili namin or ano yung deeper reason namin why we’re doing it.

“We had a very clear path, e, we had a very clear path na in-allow ng Panginoon na tahakin namin,” paliwanag pa ng Kapuso star.

Tatlong taon na ngayong nagsasama sina Juancho at Joyce at biniyayaan na nga ng dalawang anak — sina Alfonso Eliam at Agnes Eleanor.

Lovelife hugot ni Piolo: Wag na wag ma-fall agad, don’t rush into anything…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Babala ni Joyce noon kay Juancho: Wag mo na akong ligawan kung wala kang balak magpakasal

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending