Lolit Solis kay Boobay: Unahin mo ang katawan mo | Bandera

Lolit Solis kay Boobay: Unahin mo ang katawan mo

Therese Arceo |April 25,2023
facebook
share this

Lolit Solis kay Boobay: Unahin mo ang katawan mo

Therese Arceo - April 25, 2023 - 06:05 PM

Lolit Solis kay Boobay: Unahin mo ang katawan mo

PINAYUHAN ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang komedyanteng si Boobay na pangalagaan ang kanyang kalusugan.

Matatandaang pinag-usapan ang komedyante last week matapos ang pagkakaroon nito ng silent seizure habang live siyang ini-interview ng Kung of Talk na si Boy Abunda.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Lolit ang kanyang opinyon hinggil sa nangyari sa Kapuso comedian.

“Kawawa naman si Boobay , Salve. Kung kahit meron ng sakit kailangan parin mag trabaho.

“Dapat siguro isipin ni Boobay na mas unahin muna niya mag pagaling bago lumala ang sakit niya,” saad ni Lolit.

Aniya, mahirap raw kapag mas naging seryoso pa ang lagat nito at may masama pang mangyari.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nagbabala sa mga mang-aapi sa kanyang talents: Lalabanan ko pa rin ang mga gustong pumapel at magyabang diyan

“Mas mabuting gumaling muna siya, maging maayos ang lagay bago mag trabaho. Ang hirap ng bigla may mangyari sa iyo sa gitna ng trabaho, sey ni Lolit.

Matatandaang noong November 2016 nang ma-stroke si Boobay at mula noon ay inamin niya na nakakaramdam na siya ng mga silent seizures o mga pagkakataon na parang nagha-hang siya. Inabisuhan rin siya ng doktor na ingatan ang sarili at iwasan ang pagod at stress para hindi ito ma-trigger.

Pagpapatuloy ni Lolit, “Mas mabuting maayos muna ang lagay niya, maganda na ang pakiramdam, healthy at talagang fit to work.”

Aminado rin ang talent manager na talagang magaling ang Kapuso comedian.

“Talented at masarap kasama sa trabaho si Boobay kaya naman sure na marami siyang trabaho na makukuha. Basta unahin mo muna ang katawan mo Boobay, make sure gagaling ka para mas maganda ang maging resulta ng lahat,” sey ni Lolit.

Hirit pa niya, “Health is wealth, kaya kasabay ng pagyaman sa trabaho, mayaman din ang katawan healthy, para bongga.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!

Boobay hiniling na muling makita ang yumaong ina: Kung hindi puwede, di ako na lang ang pupunta diyan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending