Heart Evangelista luxury bag ang gamit pang-grocery, netizens naloka: 'Sinampal na naman po tayo ng kahirapan' | Bandera

Heart Evangelista luxury bag ang gamit pang-grocery, netizens naloka: ‘Sinampal na naman po tayo ng kahirapan’

Therese Arceo |April 22,2023
facebook
share this

Heart Evangelista luxury bag ang gamit pang-grocery, netizens naloka: ‘Sinampal na naman po tayo ng kahirapan’

Therese Arceo - April 22, 2023 - 09:46 PM

Heart Evangelista luxury bag ang gamit pang-grocery, netizens naloka: 'Sinampal na naman po tayo ng kahirapan'
TRENDING na naman ngayon ang actress-model na si Heart Evangelista matapos nitong gamitin ang isang luxury bag bilang shopping bag.

Nitong Martes, April 18, ibinandera ng aktres sa kanyang Instagram page ang grocery haul niya habang gamit gamit ang net bag mula sa luxury brand na Chanel.

“My grocery haul is a reflection of my cravings,” saad ni Heart sa kanyang caption.

Makikita namang may mga lamang corned beef at prutas ang Chanel net bag ng aktres.

Agad namang umani ng mga nakatatawang komento mula sa mga netizens ang post ni Heart.

Sey ng mga netizens, mas mahal pa raw ang naging shopping bag ng aktres kaysa sa total ng lahat ng kanyang mga napamili.

Baka Bet Mo: Netizens naloka sa presyo ng suklay ni Heart Evangelista: ‘Di ko afford, mars!’

“Sinampal na naman po tayo ng kahirapan. Afford bilhin ‘yung corned beef at prutas pero yung bag hindi,” comment ng isang netizen sa post ni Heart.

Chika naman ng isa, ““Gusto ko na lang maging corned beef [para maka-experience] ng sosh na bag.”

“Naggo-grocery din ako pero hindi naman ako gumaganda ng ganyan. Siguro dapat meron din ako Chanel grocery bag [like Heart],” hirit naman ng isa.

Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-trending ang aktres dahil sa mga gamit nitong luxury items.

Matatandaan na isa si Heart sa mga nagmamay-ari ng mahigit P20million na luxury bag at mayroon rin itong mamahaling phone case.

Isa talaga ang aktres na mga kilalang personalidad na kalakip na ng pangalan ang mga luxury brands.

Related Chika:
Heart Evangelista bumili ng bagong apartment, hindi muna babalik ng Pilipinas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending