Netizens naloka sa presyo ng suklay ni Heart Evangelista: ‘Di ko afford, mars!’
NALULA ang netizens sa presyo ng suklay ni Heart Evangelista.
“Grabe pati suklay ni Heart di ko afford mars! Nakakalagas ng buhok yung presyo! Check nyo dito kung magkano.”
That was the caption sa tatlong photos ni Heart kung saan siya ay nagsusuklay na lumabas sa isang Facebook account.
Ang nasabing suklay ay ang Luxelle Low Level Laser Growth Comb na ang original price ay ₱6,825. Naging ₱5,802 matapos mabawas ang 15% discount.
Of course, nagpiyesta ang netizens sa papuri kay Heart. Uber sosyal raw ito at walang katulad.
“Hinampas na naman tayo ng kahirapan.”
“Siguro pagganyan suklay namin sabahay kahit sa pagtulog itatabi ko waq lanf mawala sa paningin ko.”
“kung sa tig bente tumatawad pa ako haha tas ito?” “Jusko mapapakamot ka na lang kahit di makati.”
“Pag ako meron nyan ipapa laminate ko.bawal gamitin.”
“ung gas stove at gasul kong katumbas lang ay suklay…kampayyyy.”
“Grabeh ang mahal ah.”
“Mas love q prin ung suklay qng more than 15years q ng gamit. Nd prin xa nabubungal infairnessss.”
“Nakakatakot humawak ng suklay nya baka matangalan pa ng Isang hibla.”
“Sana all my suklay na ganyan.”
“Ang swerte naman ng mga kuto sa buhok.”
“Mag suklay nalang ako ng katulad sa suklay ni Ariel sa little mermaid yung tinidor marami pa sabahay.”
“pang upa na sa bahay hahhahah.”
“Ako nga nagdadalawang isip pa bago bumili ng 20pesos na suklay tpos ayan libo presyo.”
“diyos ko katumbas na ng tatlong sako na bigas. ..samantala suklay ko napulot lng sa labas ng bahay namin.”
View this post on Instagram
* * *
Sino ang tatanghaling bagong “Idol Philippines” grand winner? Tiyak na magbabagoang buhay ng isa sa limang hopefuls na maglalaban-laban para final showdown ng ikalawang “Idol Philippines” ngayong Sabado (Setyembre 17) at Linggo (Setyembre 18).
Malalaman na sa weekend kung sino mula kina Ann Raniel, Bryan Chong, Khimo Gumatay, Kice, at Ryssi Avila ang susunod na tatanghaling grand winner ng pinakamalaking singing competition ng bansa.
Ang mapalad na grand winner ay mag-uuwi naman ng P1 million pesos cash, isang brand new house and lot mula sa Camella na nagkakahalagang P2 million pesos, isang recording contract with ABS-CBN Music, at isang full franchise package mula sa Dermacare Face, Body, and Laser Center na nagkakahalagang P3 million pesos.
Nitong nakaraang live shows na may temang show-stopping performances ay nanguna sa puso ng Uplivers at judges si Ryssi na nakakuha ng 99.02%. Sinundan naman siya ni Ann na merong 97.19% at si Khimo na may 96.13%. Nalagay naman sa danger zone sina Bryan na nakakuha ng 94.41% at Kice na may 79.44%. Tuluyan naman nagpaalam sa kompetisyon si Delly Cuevas matapos makuha ang pinakamababang combined votes na 64.59%.
Top trending at labis din na pinag-usapan sa Twitter ang nasabing labanan ng Top 6 finalists.
Habang nag-hihintay sa nalalapit na final showdown, maaari naman mag-ipon ang viewers ng voting credits para sa kani-kanilang pambato. I-download na ang Uplive at gumawa ng sariling account. I-click ang banner landing page at Idol account profile. Maglog-on para makakuha ng libreng voting credits, o bumili ng nasabing credits. Maari lang gamitin ang voting credits sa mismong show. Magbubukas ang voting lines tuwing live shows.
Huwag palampasin ang final showdown ngayong weekend sa “Idol Philippines” sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV. Sa karagdagang updates sa bagong season, i-follow ang @idolphilippines sa Facebook, Twitter, Instagram, atUplive, at magsubscribe sa YouTube channel ng Idol Philippines. I-follow din ang social media accounts ng Uplive.
Related Chika:
Heart Evangelista binalikan ang journey sa showbiz: They hated me kasi ang arte-arte ko!
Heart Evangelista tinanggal ang apelyido ni Sen. Chiz sa IG name, may pinagdaraanan nga ba?
Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: ‘It was a moment…’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.