Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: 'It was a moment...' | Bandera

Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: ‘It was a moment…’

Ervin Santiago |September 07,2022
facebook
share this

Heart Evangelista biglang umiyak habang nasa photoshoot: ‘It was a moment…’

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 12:50 PM

Heart Evangelista

ANYARE kay Heart Evangelista!?

Bigla kasing naiyak ang Kapuso actress at fashion icon habang nasa kalagitnaan ng kanyang bagong photoshoot sa Paris.

Ilang araw nga makalipas ang kanyang pag-amin na may matindi siyang pinagdaraanan ngayon sa personal niyang buhay, bigla-bigla na lang daw napaluha ang kontrobersyal na aktres.

Kalat na kalat na kasi ngayon ang chika na hiwalay na umano sila ng asawang senador na si Chiz Escudero na siyang dahilan daw kung bakit hindi kumpleto ang kanyang kaligayahan.

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng Kapuso star and style icon ang kanyang cover feature para sa L’Officiel Philippines.

Kasunod nito ang behind-the-scenes clips kung saan makikita nga ang kanyang pag-iyak habang naghahanda sa ginagawang photoshoot sa Paris.

View this post on Instagram

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)


Sa nasabing video, mariring ang pagtawa ng kanyang staff na siyang may hawak ng camera hanggang sa nahawa na rin sa kanya ang aktres at napatawa na rin habang tinatakpan ang mukha.

“It was a moment,” ang inilagay na caption ni Heart sa kanyang IG post. At kung tama ang pagkakarinig namin, ang huling sinabi ni Heart ay,”Charot.”

Sa sumunod niyang IG Stories, makikita na ang Kapuso actress na handang-handa na uli para sa pinuntahang pictorial.

At habang kinukunan at bini-video, ipinakita niya ang suot na bracelet sabay dialogue ng, “Napapagod na ko sa bigat ng alahas.”

Hindi naman nagdetalye ang asawa ni Chiz kung ano ang naging dahilan ng pagiging emosyonal niya nu’ng mga oras na yun pero ang paniwala ng netizens, may konek nga ito sa hindi mamatay-matay na chikang hiwalay na ang mag-asawa.

Sa kanyang vlog, inamin ni Heart na ang pinagdaraanang “personal struggles,” “I feel a lot of pressure in my life, and basically now, I’m really in search of just being happy.”

Nauna rito, napansin din ng mga netizens na hindi na raw isinusuot ng Kapuso actress ang kanyang wedding ring.

Sa mga bagong social media post ni Heart ay tila wala na nga sa daliri niya ang kanyang wedding ring.

Isa rin ito sa naging topic ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog kasama si Mama Loi kaugnay pa rin ng hindi mamatay-matay na chika na hiwalay na raw sina Heart at Chiz.

Base sa mga comments ng netizens sa mga bagong Instagram post ng Kapuso star, parang hindi na nila nakikitang suot ni Heart ang kanyang wedding ring kaya naman gusto na nilang maniwala na totoong break na ang celebrity couple.

https://bandera.inquirer.net/304927/heart-iyak-nang-iyak-habang-nasa-paris-fashion-week-i-was-very-stressed-kasi-ako-lang-nag-iimpake

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305551/heart-nakatapak-ng-poo-poo-ng-aso-habang-rumarampa-so-nangangamoy-ako-sa-fashion-show
https://bandera.inquirer.net/318006/2-aktres-sa-emily-in-paris-na-meet-ni-heart-nang-personal-kate-valdez-kelvin-miranda-magtatambal-sa-unica-hija
https://bandera.inquirer.net/317229/lolit-solis-durog-na-durog-sa-fans-ni-bea-alonzo-ootd-ni-kylie-verzosa-napansin-ni-paris-hilton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending