Clara Benin may bagong hugot song tungkol sa ex-dyowa noong nasa probinsya
NAGLABAS ng bagong hugot song ang multi-awarded Filipino singer-songwriter na si Clara Benin at mukhang makaka-relate ang ilang mga ka-bandera.
Ang pamagat ng kanyang bagong kanta ay “Small Town” na tungkol sa pag-iwan sa nakaraan at pagmo-move on mula sa kanyang dating dyowa.
Kwento ng singer, ang naging inspirasyon niya sa kanta ay ang mga karanasan niya noong naninirahan pa siya sa probinsya.
Ito raw ‘yung mga panahon na nahihirapan siyang kalimutan ang kanyang ex-BF dahil lahat ng nakapaligid sa kanya ay alaala nilang dalawa.
“Small town was inspired by my high school experience living in the province, where it was inevitable to bump into someone you know when you’re out in public,” Chika ni Clara sa inilabas na pahayag ng music label na OFFMUTE.
Dagdag pa niya, “It’s a post-breakup song about trying to find yourself again and struggling because everything around you reminds you of your ex.”
Baka Bet Mo: Ben&Ben, Zack Tabudlo, Ebe Dancel eeksena sa ‘Zark’s Fest 2023’
Ayon pa kay Clara, bagamat isang hugot song ang kanta ay nag-enjoy naman siyang gawin ito.
Sey niya, “I really enjoyed working on this song, because it felt like reliving my teenage years, when I felt so lost and angsty all the time.”
“It’s nice to look back on those years now that I’m older and write about all my experiences then,” dagdag niya.
Matapos ilabas ang bagong single, nakatakda namang ilabas ni Clara ang bagong studio album matapos ang walong taon.
Sabi pa niya, ang album ay sumasailalim sa kanyang paglaki bilang isang music artist.
Related Chika:
Andi masaya sa muling pag-uwi ni Ellie; Jaclyn gusto na rin mamuhay sa probinsya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.