Bea Alonzo hindi nabanggit sa report ng 'TV Patrol' ukol sa 'Ang Larawan' musical play, bakit kaya? | Bandera

Bea Alonzo hindi nabanggit sa report ng ‘TV Patrol’ ukol sa ‘Ang Larawan’ musical play, bakit kaya?

Therese Arceo |April 20,2023
facebook
share this

Bea Alonzo hindi nabanggit sa report ng ‘TV Patrol’ ukol sa ‘Ang Larawan’ musical play, bakit kaya?

Therese Arceo - April 20, 2023 - 11:01 PM

Bea Alonzo hindi nabanggit sa report ng 'TV Patrol' ukol sa 'Ang Larawan' musical play, bakit kaya?

USAP-USAPAN ngayon kung bakit hindi nabanggit ang pangalan ni Bea Alonzo sa isang report ng “TV Patrol“.

Nitong Miyerkules, April 18, ibinalita sa showbiz segment ng naturang programa ang mga artistang bibida sa musical play na “Ang Larawan”.

Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig ng mga manonood ang hindi pagbanggit ng pangalan ni Bea na kasama rin sa cast.

Marami ang nagtaka lalo na’t kitang-kita naman ang aktres sa larawang ibinahagi ni MJ Felipe at sa halip ay “iba pa” ang sinabi sa naturang report.

Nang balikan namin ang video clip ng report sa “TV Patrol” sa YouTube, nabanggit ang pangalan nina Hajji Alejandro, Nonie Buencamino, Agot Isidro, Rachel Alejandro, Mitch Valdes, Ricky Davao, Kakai Bautista, Kakki Teodoro, Markki Stroem, Karylle at Jericho Rosales ngunit walang Bea Alonzo na nabanggit.

Nang balikan rin ang opening spiels ni Gretchen Fullido ay wala rin ang aktres.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo sa pagkakaroon ng mga anak kay Dominic Roque: ‘Yes, sayang naman ‘yung lahi, ‘di ba?’

Ang nakapagtataka ay nabanggit naman ang Kapuso singer-actress na si Aicelle Santos na kasama rin sa musical play na pinangungunahan ni Maestro Ryan Cayabyab.

Makikita rin na ilang beses lumabas at nahagip si Bea sa video ngunit hindi man lang siya nasabi sa report.

Samantala, sa ibinahaging tweet naman ni MJ ay nabanggit ang dalaga sa caption.

“LOOK: Jericho Rosales, Bea Alonzo, Karylle, Markki Stroem, Kakai Bautista , Kakki Teodoro and Aicelle Santos join the star-studded line up of stars performing at the ‘Ang Larawan: The Concert’ on May 6.

Also in the photo are industry veterans Mitch Valdez and Nonie Buencamino; producers Girlie Rodis and Aaron Velasco of the Metropolitan Theater, and musical director Ryan Cayabyab.

Marami tuloy sa mga fans ni Bea ang talagang na-offend dahil tila hindi raw nirespeto ang aktres na minsang naging Kapamilya rin.

May ilan pa nga na nagsasabing hindi kaya may kinalaman ito sa paglipat ng dalaga sa Kapuso network.

“BAKIT HINDI NABANGGIT si BEA at di rin PINAKITA ang part ni Bea ang laki namang artista para di banggitin!? Sinali lang sa at iba pa!??? Wow naman nakakasama naman ng loob ito para sa aming fans,” sey ng isang netizen.

Chika naman ni Cristy Fermin, hindi raw alam ng top management ng ABS-CBN ang nangyari, kaya baka ipatawag ang mga tao sa likod ng kontrobersyal na report na ito.

Imposible raw kasi na hindi mabanggit si Bea dahil isa itong big star. Feeling nga raw ng talent manager ng aktres na si Shirley Kuan ay hindi raw katanggap-tanggap ang nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Bea Alonzo: You can call me a lot of things but hindi ako magnanakaw

Abogado ni Bea nagbantang idedemanda ang nagpapakalat ng fake news tungkol sa farm ng aktres sa Zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending