Beauty Gonzalez may gagawing project sa ibang bansa; feeling lucky nang mapiling leading lady ni Bong Revilla

Beauty Gonzalez may gagawing project sa ibang bansa; feeling lucky nang mapiling leading lady ni Bong Revilla

Beauty Gonzalez at Bong Revilla

FEELING lucky and blessed ang Kapuso actress na si Beauty Gonzalez sa pagkakapili sa kanya ni Sen. Bong Revilla para maging leading lady sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”

Ito ang TV remake ng pelikula ni Sen. Bong na may kapareho ring titulo na ipinalabas noong 1997 kung saan nakatambal niya ang asawang si Congresswoman Lani Mercado.

Gagawin itong sitcom at mapapanood sa GMA 7 very soon. In fairness, kahit si Lani ay aprub na aprub sa pagkakapili ng mga Kapuso executives kay Beauty sa naturang project.


Sabi ng aktres nang ialok sa kanya ang proyekto, “Sabi ko talaga ‘Ha? Totoo ba ‘to?’ sabi ko nagte-take kami ‘saglit lang ah?’ Tapos sabi ni Gabby (Concepcion) ‘Ok ka lang ba?’”

Magkatrabaho ngayon sina Beauty at Gabby sa bagong teleserye ng GMA 7 kung saan makakasama rin nila si Carla Abellana.

Chika pa ng aktres, “Kasi pangarap ko talagang magka-sitcom. Kasi as an artista, gusto ko naman ipakita sa lahat ng tao na you know, from drama to heavy drama to acting and international films and now to sitcom.

“Parang gusto kong makita ng iba, ibang side of me. And to be offered and handpicked by Sen. Bong was wow, it was like unexpected,” pahayag pa ni Beauty sa naganap na press launch para sa bago niyang endorsement, ang Hey Pretty Skin.

Baka Bet Mo: ‘Flower’ ni Beauty Gonzalez nag-viral, asawang si Norman Crisologo na-shock: ‘What flower are you talking about?’

Samantala, natanong din si Beauty tungkol sa pagpunta niya last year sa Sundance Film Festival kung saan nakasali ang pelikula niyang “In My Mother’s Skin” kasama si Jasmine Curtis para sa Midnight selection.

“Hindi ko in-expect ‘yung Sundance. Hindi ko in-expect na makakasama ako sa Sundance because when I was making the film, we haven’t had talks like that.

“The first thing na napaoo ako sa In My Mother’s Skin kasi it was shot in Bacolod in the Oro Plata Mata house. It’s a Philippine icon, ‘di ba, that house, that movie. And to be shooting there again, and believe it or not, buhay pa ‘yung may-ari.

“Yes, he’s still there. Ako, mahilig ako sa Philippine antiques eh. I love Philippine contemporary arts, so nung nalaman ko du’n pa ‘yung shooting, kahit hindi ko pa alam ‘yung istorya, ‘go!’

“Gusto ko lang talaga, you know, I love collecting these things ‘cause I want to be the caretaker of our history,” pagbabahagi ni Beauty.


“That’s the reason why I’m so into these mga Philippine antiquities and art. And yeah, I didn’t expect it and nung sinabi sa amin na kasama kami sa Sundance, pumunta ako and also a great experience and I saw Anne Hathaway, I saw a lot of producers, I saw Dakota Johnson sa Fifty Shades of Grey,” ang pahayag pa ng aktres.

Pagpapatuloy pa niya about her experience sa naturang international filmfest, “It was a great experience because I get to network myself to other also, hopefully there is one coming this year I’ll be working abroad so hopefully we’ll see kung matutuloy.

“It was a beautiful experience and to top it all, binili na ng Amazon ‘yung movie namin so we are part of Amazon and it’s coming out this July or June.

“Siyempre ang dami pang festivals na kailangan puntahan na nakasama rin ‘yung movie. It’s really like unexpected talaga. Naubos English ko din du’n sa interview sa Sundance,” aniya pa.

Tungkol naman sa pagiging first celebrity endorser ng Hey Pretty Skin na pag-aari Anne Barretto, “I am very thankful for the trust they have given me. I must admit, I feel a bit of pressure, but I trust Ms. Anne, her vision, and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better glowing skin and feel good inside,” pahayag pa ni Beauty.

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Read more...