Beauty Gonzalez madaming exciting projects, suwerte sa endorsement | Bandera

Beauty Gonzalez madaming exciting projects, suwerte sa endorsement

Reggee Bonoan |April 15,2023
facebook
share this

Beauty Gonzalez madaming exciting projects, suwerte sa endorsement

Reggee Bonoan - April 15, 2023 - 09:44 PM

Beauty Gonzalez madaming exciting projects, suwerte sa endorsement

EQUALLY beautiful ang CEO at owner ng beauty product company na si Ms Anne Barretto at unang endorser na si Beauty Gonzalez kaya ang tanong kaagad sa una kung pinangarap ba nitong pasukin ang showbiz bago nag-negosyo.

“Hindi po, eh mahiyain po ako saka negosyo lang talaga ang alam kong gawin,” nakangiting sagot ng CEO at kinulit pa rin siya kung sakali ay sino ang gusto niyang leading man.

“Hindi ko po talaga kayang mag-arte hindi ko po nakikita ang sarili ko kahit nga po magsalita sa harap (ng maraming tao),” diin ulit sagot ni Ms. Anne.

Pero kahit hindi niya type ang show business ay may showbiz crush naman siya at nahihiya itong banggitin kung sino. Ang agam-agam kasi ni Ms. Anne ay baka ma-bash siya pero dahil sa pangungulit ng media ay binanggit nito ang pangalan ni Dennis Trillo.

Sabay tanong kung alaga ba ng Aguila Entertainment headed by Ms. Becky Aguila with Katrina Aguila and Jan Enriquez si Dennis at kaagad sinabing ang wifey nitong si Jennylyn Mercado ang mina-manage nito tulad din ni Beauty Gonzalez.

Samantala, dahil unti-unti nang nakikila sa merkado ang beauty product brand ay kinuha nila si Beauty para mas lalong umingay pa lalo’t napakaganda ng kutis ng aktres na kaliwa’t kanan ang exposures nito.

Sabi nga ni Ms. Anne, “very excited kaming lahat na makatrabaho si Beauty at napakasaya namin na pinaunlakan niya po ang imbitasyon namin na maging unang celebrity endorser.”

Baka Bet Mo:  Beauty Gonzalez pak na pak ang career ngayong 2023, todo kayod para sa ipinapatayong bahay

Pasado rin sa Rising Era Dynasty president at CEO na si Mr. Red Era si Beauty dahil malakas nga ito sa mga probinsya.

“I am very thankful for the trust they have given me. Hey Pretty Skin has been in the market for only one year and for them to pick me as their first celebrity endorser is really a big deal. I must admit, I feel a bit of pressure, but I trust Ms. Anne, her vision and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better, glowing skin and feel good inside,” sabi naman ni Beauty.

Samantala, malaking tulong ang exposure ni Beauty para kina Ms Anne at Mr. Red dahil magkakaroon ng regular na TV show ang aktres sa GMA 7 kasama si Senador Bong Revilla, Jr. Ito kasi ang kalat ng balita at hinihintay na lang ang official announcement ng GMA management.

Gagawan ng TV remake ang pelikulang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinangunahan ni senator Bong at asawang si Cavite 2nd district Representative Lani Mercado kasama si Pinky Recto na ipinalabas noong 1994.

Sa media launch ni Beauty ay inamin nitong may pag-uusap na ang GMA management at ang Aguila Entertainment.

“It’s in the talks, I hope. I’m very excited. Sana, we’ll see,” saad ng aktres.

Inamin ni Beauty na looking forward siya sa proyekto wih senator Bong at nag-aaral ulit siya ng salitang Bisaya para paghandaan ang karakter niya bukod pa sa panay ang work-out niya dahil kailangan sexy siya sa series.

“Hindi tayo magpapatalo. Kailangan, slim din tayo at palaban,” napangiting sabi nito.

At ang reaksyon niya sa karakter na Lani, “Nakakatuwa. Parang ibang flavor naman ngayon, a Bisaya wife. So, from Lani Mercado to a Bisaya. You know, iba naman ngayon. But, I’m quite pressured, also, kasi sobrang patok ‘yung movie nila, not only part 1, nagka-part 2 pa ‘yun.

“But, of course, I’m very happy and thankful with the cast, kasi if puwede ko na i-announce ‘yung iba kong mga kasama, iba rin ‘yung flavor ngayon. Ay, tumatayo ang balahibo ko! Kung puwede ko lang isigaw. Feeling ko, it will be a hit show kasi we need something to laugh, we need something to be happy, we need something na makaka-relate ‘yung mga Bisaya, also. And, for Sen. Bong to open this door for me, sa mga Bisaya, I’m very proud of it.”

Hindi lang series with senator Bong ang gagawin ni Beauty dahil kasama rin siya sa “Stolen Life” with Carla Abellana at Gabby Concepcion.

Kaya super happy si Beauty dahil dalawa ang project niya sa Kapuso network plus product endorsements, “suwerte ko nga kasi bukod sa Hey Pretty Skin may iba pa na hindi pa puwedeng sabihin.

“I am so thankful with Tita Becky, kasi so many things have happened. Wala pang isang taon (siyang mina-manage).”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Beauty Gonzalez nakaligtas sa hagupit ng bagyong Odette, pinigilan ng ina na magpunta sa Siargao

GMA tinupad agad ang wish ni Beauty Gonzalez: Hindi lang isa kundi 2 Dingdong pa ang nakatambal ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending