Kris Aquino muling ipinaramdam ang concern at pagmamahal kay Miles Ocampo: ‘We love you, Ate’

Kris Aquino muling ipinaramdam ang concern at pagmamahal kay Miles Ocampo: 'We love you, Ate'

Miles Ocampo, Bimby at Kris Aquino

HANGGANG ngayon pala ay close pa rin si Miles Ocampo sa nag-iisang Queen of All Media na si Kris Aquino at sa dalawang anak nito na sina Joshua at Bimby.

Napatunayan yan ng mga fans at social media followers ni Miles nang mag-comment ang award-winning TV host-actress sa ibahagi niya ang mga pinagdaraanan about her health condition.

Isa si Kris sa mga nagparamdam ng concern at pagmamahal kay Miles nang aminin ng dalaga sa madlang pipol ang kanyang sakit sa pamamagitan ng Instagram.


Ayon kay Miles ang kondisyon niya ay tinatawag na “Papillary Thyroid Carcinoma” kaya sumailalim siya sa surgery para tanggalin na ang kanyang thyroid.

Makikita sa comment section ang maikli ngunit punumpuno ng pagmamahal na  message ni Kris kay Miles na, “We love you Ate.”

Matagal nang close sina Miles at Kris at hanggang ngayon nga ay napanatili pa rin nila ang kanilang relasyon bilang “magnanay”.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo puring-puri ng netizens sa kanyang pag-arte sa ‘Batang Quiapo’

Ate ang tawag ni Kris kay Miles dahil parang tunay na anak na ang turing niya sa dalaga. Kapatid na rin ang turing ni Miles kina Joshua at Bimby.

Nauna rito, nagbigay din ng updates si Kris tungkol sa estado ng kanyang kalusugan sa pamamagitan ng Instagram kasabay ng pagpapasalamat sa kanyang mga doktor at sa lahat ng mga nag-alay ng dasal para sa kanya.

“This is an overdue GRATITUDE post. I know it’s because of your prayers that God helped lead me to an excellent team of doctors: Dr. Sudhir Gupta, his daughter Dr. Malika Gupta, Dr. Yaqoot Khan, and Dr. John Belperio. Except for Dr. Malika who has her own private clinic, Dr. Gupta is with UCI while Dr Khan & Dr Belperio are practicing in UCLA,” pagbabahagi ni Kris.

“In particular warmest thanks to Dr. Malika and Dr. John for their excellence and real compassion… I have many limitations when it comes to medicine & treatments because of my allergies and/or adverse reactions YET they both found treatments that given time can help me get my health back.


“Aamin ako, after my 1st consultation with Dr Khan & Dr Belperio, when 14 vials of blood were drawn- mahirap pag ‘nerd’ like me; too much researching plus memorized ko na ‘yung mga results na dapat kong ikabahala… pero alam ko rin na hindi dapat pangunahan ang mga doctor.

“My last numbers were alarming because maraming bumagsak na sana steady lang at ‘yung mga nanahimik (like my ANA titer) nagparamdam ulit…pinaalala sa ‘kin na ‘yung 4 diagnosed autoimmune ko, puwedeng maging 5 or 6, and my major organs like my heart & lungs can suffer permanent damage.

“Next week may bagong treatment na isasabay sa biological injectable that I’ve had 2 doses of… praying kayanin ko,” ang bahagi ng IG post ni Kris.

Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes: Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n’

Read more...