Kris Aquino may update sa kanyang health condition, nagpasalamat sa mga patuloy na nakaaalala at nagdarasal | Bandera

Kris Aquino may update sa kanyang health condition, nagpasalamat sa mga patuloy na nakaaalala at nagdarasal

Reggee Bonoan - December 24, 2022 - 08:58 PM

Kris Aquino may bagong update sa kalusugan, nagpasalamat sa mga patuloy na nakaaalala at nagdarasal

NAG-UPDATE si Kris Aquino nang kalagayan nilang mag-iina sa Amerika. Anim na buwan na pala silang naroon simula nang lumipad sila noong Hunyo patungong Houston, Texas kung saan siya unang sinuri para sa kanyang sakit.

Pero dahil wala umanong pagbabago ang kanyang kalagayan kaya kinailangan nilang lumipad patungong Los Angeles, California.

Tourist visa ang nakatatak sa pasaporte nina Kris, Joshua at Bimby at anim na buwan lang pinapayagan ng US government na manatili sa kanilang bansa ang may ganitong visa at dahil hindi pa magaling ang Queen of Social Media kaya kinailangan niyang mag-extend.

Pinost ni Kris ang application para sa nasabing extension.

“We’ve been here for more than 6 months. Atty Marlon (recommended to us by the (emoji Philippine flag) consulate to be our immigration lawyer) filed the necessary paperwork so that we can extend our stay in the (emoji US flag) legally. A few days ago we did our biometrics scan…I was warned- you’ll need to wait 2-3 months to get the extension approval.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

“Discussing my 4 diagnosed autoimmune ailments (2 are life threatening) and a highly likely 5th because of my distinct physical manifestations isn’t something I want to do on Christmas Eve- but I have to BECAUSE gusto kong mag THANK YOU sa inyong lahat who still keep me, my sons, and my sisters & their families back home in your prayers.”

Naikuwento rin ni Kris na maging ang mga call center agents na nakakilala ng kanilang mga boses sa tuwing magkakausap sila ng mga ate niya rito sa Pilipinas ay nagsasabing ipinapanalangin ang kanyang agarang paggaling.

“A lot of times I’ve had to verify over the phone my identity & 80% of the time BPOs from back home handle the calls. It’s heartwarming to hear the agents who know the calls are being recorded be “Dedma” & say- “ma’am, my family always pray for you because we want you to regain your health…” others have said, “Ms Aquino, I hope your treatment is working & that you’ll be healed…”

“You all have your personal problems & heartaches BUT because of you, HINDI ito ang naging theme song namin nila Kuya & Bimb:”

Ang awiting “Sana Ngayong Pasko” ni Ariel Rivera ang binanggit ni Kris.

“Pasko na naman, nguni’t wala ka pa
Hanggang kailan kaya ako maghihintay sa iyo?
Bakit ba naman kailangang lumisan pa?
Ang tanging hangad ko lang ay makapiling ka

“Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako
Hinahanap-hanap pag-ibig mo
At kahit wala ka na, nangangarap at umaasa pa rin ako
Muling makita ka at makasama ka
Sa araw ng Pasko…

“We may be an ocean apart, BUT it matters so much to know that many of you who don’t even know me or my sons personally, care enough to remember us & want me to win this seemingly endless battle with my autoimmune conditions…”

“May God bless your kind & compassionate hearts… my Christmas wish is makabawi ako sa ginagawa nyong mabuti para sa ‘kin ngayon-my 1st cycle of immunotherapy treatment (same medicine as chemo BUT at a much lower dose given over a longer period of time) will take about 10 months… for now idadaan ko na lang po ang pasasalamat ko sa mga pinagkakatiwalaan kong mga kaibigan sa religious & medical communities. #christmas2022 #thankful.”

Happy holidays Kris, Josh and Bimb.

Related Chika:
Kris Aquino may bagong update sa lagay ng kalusugan: Tuloy ang laban, bawal sumuko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris bilyones ang kailangan sa pagpapagamot; sa pagrenta pa lang ng private plane milyones na ang nagastos

Kris Aquino may ‘medical emergency’, pupunta sa Amerika para magpagamot

Kris Aquino nagpapalakas na, patuloy na nadadagdagan ang timbang: ‘Napaka-powerful talaga ng prayers’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending