Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’ | Bandera

Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’

Pauline del Rosario |April 17,2023
facebook
share this

Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’

Pauline del Rosario - April 17, 2023 - 10:41 AM

Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’

PHOTO: Instagram/@pauleenlunasotto

NAGPAKALAT ng good vibes ang celebrity couple na sina Pauleen Luna at Vic Sotto sa social media.

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang isang video na kumakain silang mag-asawa nang biglang umulan nang malakas.

Mapapanood na tumayo sa upuan si Pauleen upang isara ang mga bintana ng kanilang bahay.

Dahil diyan ay mabilis namang kinuha ni Vic ang mga pinya na nasa plato ng aktres at kinain agad-agad.

Mapapakinggan pa sa video na tumawa nang malakas si Pauleen na tila nakita ang ginawa ng kanyang mister.

Caption pa ng aktres sa kanyang IG post, “Just a regular day at home…[laughing emoji] No dull moment with my husband!”

Aniya pa, “K fine you can have all my last bites!”

Baka Bet Mo: Bossing Vic, Pauleen solid na solid pa rin ang relasyon after 11 years; Tali super enjoy sa 5th princess-themed birthday party

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Bentang-benta at tawang-tawa naman ang maraming netizens sa post ni Pauline at narito ang ilan sa mga naging komento nila.

“It’s a natural comedian! Parang shooting ng movie! [laughing emoji].”

“Hahahah ang cute! Daming beses kong inulit [laughing emoji].”

“Ang bilis ni bossing hahahaha! Huli pero di kulong [laughing emoji].”

Taong 2013 nang umamin sina Pauleen at Vic sa kanilang relasyon.

Noong 2016 naman nang ikinasal ang dalawa matapos ang dalawang taong engaged.

Biniyayaan sila ng isang anak na si Tali noong 2017.

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato

Bwelta ni Mega sa nagpakalat ng balitang patay na si Fanny Serrano: Ang sasama n’yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending