Bryanboy tuloy ang pang-ookray kay Rendon Labador: 'Kakauwi ko lang galing Rome, dedma na po tayo sa rice, ang chaka! Nakakasawa!' | Bandera

Bryanboy tuloy ang pang-ookray kay Rendon Labador: ‘Kakauwi ko lang galing Rome, dedma na po tayo sa rice, ang chaka! Nakakasawa!’

Ervin Santiago |April 17,2023
facebook
share this

Bryanboy tuloy ang pang-ookray kay Rendon Labador: ‘Kakauwi ko lang galing Rome, dedma na po tayo sa rice, ang chaka! Nakakasawa!’

Ervin Santiago - April 17, 2023 - 07:16 AM

Bryanboy tuloy ang pang-ookray kay Rendon Labador: 'Kakauwi ko lang galing Rome, dedma na po tayo sa rice, ang chaka! Nakakasawa!'

Bryanboy at Rendon Labrador

WALANG gustong magpaawat, walang nais magpatalo — lahat palaban at talagang walang inuurungan.

Matapos resbakan ni Rendon Labador ang social media personality na si Bryanboy dahil sa maaanghang na pahayag nito tungkol sa kanyang kontrobersyal na “motivational rice”, may bagong banat naman ang kilalang socialite.

Yes, nakarating na kay Bryanboy o mas kilala ngayon ng mga netizens sa tawag na “Ninang” ang sagot sa kanya ni Rendon matapos nga niyang okrayin  ang ibinebenta nitong “motivational rice” sa pag-aaring restaurant.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pinaandaran kasi ng fashion blogger si Rendon at ipinagmalaki ang kinakain nilang Gucci rice na nagkakahalaga raw ng 20,000 euros. Aniya, hindi raw nakaka-motivate ang P100 halaga ng kanin na ibinebenta ng negostanye.

Baka Bet Mo: Rendon Labador kinuha noon para maging parte ng ‘Batang Quiapo’, may pa-open letter kay Coco Martin

Ipinamukha naman ni Rendon kay Bryanboy ang kanyang objective sa naturang motivational rice, “Akala ko matalino ka? May pera ka, pero tanga ka. Una sa lahat, sino ka ba? Wala akong pakialam sa Gucci rice mo.

“Ang binabago ko rito yung mindset ng mga Pilipino. Ano yung sinasabi mo na problema ng mga mahihirap? Di ba dapat doon tayo magsimula? Tulungan yung mga mahihirap na masolusyunan ang mga problema nila,” ang matinding banat ng motivational speaker kay Ninang.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Wala naman akong pakialam sa presyo. Hindi naman presyo yung usapan dito eh. Ang usapan dito, dapat nating baguhin yung maling mindset ng mga Pilipino para maafford nila yung mga gusto nilang maafford sa buhay nila,” dagdag pa ni Rendon.

Nitong nagdaang Sabado, April 15, hindi pa rin nagpatalbog si Bryanboy sa mga pinagsasabi sa kanya ni Rendon. Hirit ni Ninang sa kanyang Facebook video, “Balita ko, meron napikon sa post ko. Bumubula ang bunganga niya.”

Dugtong pa niya, “Kakauwi ko lang galing Rome Italy from a business trip. Dedma na po tayo sa rice. Chaka ang rice. Nakakasawa.

“Here’s what I have for you. Fendi pasta. Mas mahal lang siya kaunti sa Gucci rice,” ang chika pa niya. Aabot naman daw sa 40,000 euros ang halaga kada pakete ng naturang pasta.

Sa huli, ito ang iniwang mensahe ni Ninang para kay Rendon, “‘Di po ba katangahan ‘yung nagbukas ng restaurant tapos nilangaw ang grand opening.”

Ang tinutukoy ni Bryanboy ay ang balitang pagkalugi ng pag-aaring resto ni Rendon dahil walang pumunta at sumuporta sa kanilang opening. Sinisi pa niya ang mga fans ni Coco Martin dahil pinersonal daw siya ng mga ito dahil sa mga pinagsasabi niya laban sa Kapamilya actor

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang bagong bwelta si Rendon laban kay Bryanboy.

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: ‘Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending