Beauty queens na pumasa sa Bar exam lubos ang pasasalamat
NADAGDAGAN ang brilyante ng mga korona nina reigning Reina Internacional del Chocolate Jerelleen Rodriguez, dating Binibining Pilipinas at Mutya ng Pilipinas winner Eva Patalinjug, at 2020 Miss Philippines Air Patrixia Santos nang naipasa nila ang 2022 Bar examinations.
Kabilang ang tatlong beauty queens sa 3,992 examinees na pumasa mula sa 9,183 na kumuha ng pagsusulit noong Nobyembre 2022. Nasa 43.47 porsyento ang passing rate.
Hindi ito ang unang regulatory exam na naipasa ng Cebuanang si Patalinjug sapagkat may lisensya rin siya bilang isang registered nurse. Kinoronahan siyang Mutya ng Pilipinas Asia Pacific International noong 2014, at tinanggap ang titulo bilang Bb. Pilipinas Grand International noong 2018.
“The journey was never easy, but never doubted God, that in the end everything will be worthwhile,” sinabi niya sa Inquirer sa isang online interview.
“[I’m] just so overwhelmed right now but very grateful. Blood, sweat and tears brought me to where I am now. Just so thankful for the people who helped me, especially God,” dinagdag ni Patalinjug, na isa na ring ina, at tinalaga bilang national director ng Hiyas ng Pilipinas beauty pageant.
Samantala, sinabi naman ni Rodriguez na “I am overfilled with joy and relief on the results! The six-month wait was worth it. It’s the best title I could ever win.”
Noong Marso ng nagdaang taon, habang nag-aaral pa sa University of the Philippines College of Law, nasungkit ni Rodriguez ang korona bilang Reina Internacional del Chocolate sa 2022 Reina Internacional del Cacao pageant sa Panama. Siya ang unang Pilipinang nakapag-uwi ng naturang titulo.
Sinabi niyang hinihikayat siya ng law firm na pinapasukan niya na sumabak sa lahat ng larangan ng batas.”I’m pretty sure what kind of lawyer I will be, though, one who has integrity and practices the law in the grand manner.”
Hinayag naman ni Patalinjug: “I just want to work on my law career and be the best I can be. Always doing what I do best, never giving up and never resting on my laurels.”
Kabilang na sina Rodriguez, Patalinjug, at Santos ngayon sa kahanga-hangang hanay ng mga beauty queen na naging abogada, kasama sina 2001 Bb. Pilipinas Universe at 2001 Miss Tourism World-Asia Zorayda Ruth Andam, at 2019 Bb. Pilipinas International Patricia Magtanong.
Related Chika:
BUONG LISTAHAN: 2022 Bar exam passers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.