Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo 'ko?’ | Bandera

Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo ‘ko?’

Pauline del Rosario |April 13,2023
facebook
share this

Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo ‘ko?’

Pauline del Rosario - April 13, 2023 - 01:46 PM
Content Creator Nurse Even ‘binara’ ang basher ng kanyang travel pics: ‘Ang hirap mag-apply ng visa tapos pipigilan mo 'ko?’

PHOTO: Facebook/Nurse Even

HINDI na nakapagpigil ang content creator na si Nurse Even at sinagot na niya ang mga epal na basher na tila pinipigilan siyang mag-post ng kanyang travel pictures.

Ayon sa kanyang Facebook post, marami ang nagsasabi sa kanya ng, “‘You shouldn’t post your travel photos on social media too much’”

Pero hindi tumalab ang mga parangal na ganyan sa content creator na ayon sa kanya ay deserve lang na ibandera niya ang lahat ng kanyang pagta-travel sa social media.

Caption niya, “AY HINDEEEE! Halos ikamatay ko ang pag-aaral ng IELTS at OET para makapag paandar sa social media, tapos pipigilan mo lang ako?”

Dagdag pa niya, “Buklatin mo ‘yang English reviewer mo jan, GEW! [random emojis].”

Bukod diyan ay makikita pa ang kanyang comment sa post na sinabing, “Hirap hirap mag-apply ng visa tapos ilo-low-key ko lang ang mga travels ko? Ano to??! EME HAHAHAHA!”

Baka Bet Mo: Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’

Libo-libong netizens naman ang sumang-ayon kay Nurse Even at may iilan pang ipinagtanggol pa siya mula sa mga bashers.

Narito ang ilan sa mga naging komento:

“’Wag mo sila intindihin Nurse Even. Importante happy ka sa pag-travel mo, plus napapaligiran ka ng mga nagga-gwapuhan doctors sa Pinas. Bukod kang pinagpala.”

“So happy to see you! Enjoy every scent that you earn. Keep up the great work and keep doing your best. Hopefully to meet you soon. God bless and take care!”

“Hahaha…Tama…Enjoy life. Post it. Be proud of it. Don’t mind others. Mas nakaka-inspired kaya [red heart emoji].”

Si John Steven Soriano o mas kilala bilang Nurse Even ay isang nurse na naka-base sa United Kingdom.

Sumikat siya sa mundo ng TikTok dahil sa nakakatawa at kwela niyang skits na relatable sa pagiging nurse.

Madalas ding mag-viral ang ilan niyang parody videos ng mga nauusong bagong kanta.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ina Raymundo naging ‘instant nurse’ nang magka-COVID-19 ang pamilya, nag-share ng first-aid tips

Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending