Gigi de Lana sa mga taong mapanghusga: ‘Hindi porke marami akong tattoo, bad person na…I’m stronger, I’m bolder’

Gigi de Lana sa mga taong mapanghusga: 'Hindi porke marami akong tattoo, bad person na...I'm stronger, I'm bolder'

Gigi de Lana

“SHE’S dirty now!” Yan ang karamihan sa mga naging komento ng mga netizens nang makita ang bagong tattoo ng Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana.

Maraming na-turn off at naimbiyerna sa desisyon ni Gigi na muling dagdagan ang kanyang tattoo, ang nagkakaisa nilang sentimyento, bakit daw kailangan pang magpa-tattoo ang dalaga? Ano ba raw talaga ang trip niya sa buhay – ang magpaka-rocker?

Dahil dito, naglabas ng statement si Gigi bilang sagot sa lahat ng nagpo-post ng mga kanegahan sa social media nang dahil lamang sa bago niyang tattoo.


Ibinahagi ng dalaga sa Facebook nitong Lunes, April 10, ang screenshots ng mga naging komento ng netizens sa kanyang Instagram photo kung saan makikita siya habang nagpapa-tattoo sa kanyang braso at dibdib.

Reaksyon ng isa niyang IG follower, “Too bad, so pretty and it scratched her skin! With all due respect…no insult.”

Baka Bet Mo: Gigi de Lana biglang sikat sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ birit challenge; sasabak na rin sa aktingan

Sabi ng isa pa, “Nonsense! Tattooing skin is an aggresive fashion trend that brings nothing fancy.”

“Sayang ang skin mo, dirty na,” ang comment ng isa pang netizen.


Narito naman ang mensahe ni Gigi sa lahat ng nagbigay ng negative reactions sa kanyang tattoo, “Just because I got a tattoo, again. A lot of people have judged my skin, my passion, and my heart.

“Some of them have good comments. But most of them are like ‘she’s dirty now.’

“Please, don’t judge. Lalo na you will never know the real whole story behind it,” pahayag ni Gigi.

Ipinagdiinan pa ng Kapamilya singer na  hindi nagbago ang ugali at pakikitungo niya sa kanyang kapwa kahit nagpa-tattoo pa siya. In fact, mas lalo pa raw siyang tumapang at naging matatag.

“I’m still me, but not the facade girl before. Just because I have a lot of tattoos does not mean I’m a bad person.

“I’m just different now. I’m stronger, I’m bolder, I’m more confident. And as much as I can, I don’t judge. And I grow every day,” sey pa ni Gigi.

Pakiusap pa ng dalaga sa lahat ng nangnenega at humuhusga sa kanya “Let’s love one another. And stop controlling things that you cannot control.”

Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’: Naging malaking parte ‘yun ng separation namin

Rita Avila dumepensa sa pagiging bold star noon: Halinghing lang, walang pakita ng boobs at peps…

Read more...