Rita Avila dumepensa sa pagiging bold star noon: Halinghing lang, walang pakita ng boobs at peps... | Bandera

Rita Avila dumepensa sa pagiging bold star noon: Halinghing lang, walang pakita ng boobs at peps…

Ervin Santiago |January 27,2022
facebook
share this

Rita Avila dumepensa sa pagiging bold star noon: Halinghing lang, walang pakita ng boobs at peps…

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 01:30 PM

Rita Avila

KALIWA’T kanang pambabatikos at pang-ookray ang ibinabato ngayon sa veteran actress na si Rita Avila matapos ang sunud-sunod niyang pagtatanggol kay Vice-President Leni Robredo.

Kung anu-anong masasakit na salita ang natatanggap ngayon ni Rita mula sa mga taong galit kay VP Leni at mas lalo pa siyang pinagtulungan nang ibandera niya ang pagkadismaya sa katatapos lang na interview ni Boy Abunda sa presidential aspirant. 

Ayon kasi kay Rita hindi masyadong fair ang naging takbo ng panayam ng TV host kay VP Leni para sa pagtakbo nitong pangulo sa darating na May, 2022 elections.

Nag-post si Rita ng screenshots ng naging comments ng bashers laban sa kanya at karamihan sa mga ito ay nagsabing bold star lang daw siya noon kaya tumigil na siya sa kadadakdak.

Sagot ni Rita sa mga haters, “Laging ginagamit sa akin ng mga ‘kalaban’ ang pagiging ‘bold star’ ko noon.

“Baka d pa buhay itong mga ito nung time ko nung mga ST Movies kaya di nila alam how far did the ‘ST Queens’ went on pagbo-bold. Ang panahon namin ang pinaka-tamed sa mga bold stars. Puro naka 2-pc. Bare back shots. Leg shots.

“Halinghing halinghing lang. Walang pakita ng boobs at peps. Walang penetration dahil ibang bold era yun. May wet look era din. Pag-alis ko sa Seiko Films, medyo mas bold na ang mga pelikula nila. 

“Ang mga aktres, anuman ang ginagawa nila ay mauunawaan lang ng mga tao pag sila na ang nakasalang sa harap ng kamera. Walang makakaunawa hanggat hindi kayo ang aarte sa harap ng kamera. 

“Pag nagawa nyo yun, mas magkakarespeto kayo sa hirap ng trabaho namin. Hindi ako mang mamata ng bomba star, bold star, pene star kasi sila yun. Alam nila at kaya nila ang ginagawa nila. 

“Parang mga prosti, mababa ang tingin ng marami kasi d sila yun. D nila alam ang pinagdadaanan ng mga prosti para lang makapag-hanapbuhay. Kanya kanyang prinsipyo yan eh. 

“Pero kung ang prosti ay mabait naman tapos ang ‘disenteng’ teacher ay salbahe sa yo… sino ang rerespetuhin mo? Ako ung prosting mabait. Wala sa trabaho yan eh. Nasa kalooban,” ang dire-diretsong pagtatanggol ng aktres sa sarili.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)


Sa isa pang post ni Rita, nagbigay din siya ng mensahe para sa mga bashers na ayaw siyang tantanan nang dahil sa pagsuporta kay VP Leni, “Para sa mga trolls na mahilig magbomba EHE mambomba:

“Bold Star 101 para sa mga d pa pinanganak noong 1988-90’s o hindi naman nakapanood ng movies namin nila Rina Reyes, Vivian Foz, Cristina Gonzales at Gretchen Barretto. 

“Kung nakapanood kayo, ang galing ng sining d ba? Ang sexy tingnan sa screen pero may mga proper covers kami sa mga dapat takpan. 

“Mas malala ang mga write ups noon na iniiyakan ko pa minsan. Para mahikayat ang manonood ay ang tindi ng mga balita. Animo’y nagpakita na kami ng kaluluwa. Hindi po. 

“Sa mga nanlilibak, kasalanan nyo naman yan sa itaas. #boldstar #prosti #prostitute #walker (ang bagong term for prosti).

“Magandang umaga!!! Tandaan: Pilipino #DiKaTanga.

“Hindi ka sinilang sa mundong ito para maging tanga. Sinilang ka para matuto magmahal, maging mabuti at magbigay liwanag sa ibang nilalang. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Spread love and truth; not stupidity. Again children, sabay-sabay tayo: PILIPINO KA DI KA TANGA,” paalala pa ni Rita Avila.

Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Payo ni Mommy Dionisia kay Pacquiao: Ngayong natalo siya, magretiro na siya

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending