Matt Lozano muntik nang mag-quit sa showbiz dahil inatake ng matinding insecurity sa katawan; pinalakas, pinatapang ng ‘Voltes V’

Matt Lozano muntik nang mag-quit sa showbiz dahil inatake ng matinding insecurity sa katawan; pinalakas, pinatapang ng 'Voltes V'

Matt Lozano

INAMIN ng Kapuso actor-singer na si Matt Lozano na muntik na siyang mag-quit sa showbiz dahil sa naging insecurity niya sa kanyang timbang.

Inisip na niyang kalimutan na lang ang pag-aartista at pagkanta noong mga panahong parang imposible nang matupad ang matagal na niyang pangarap na maging bahagi ng showbiz industry.

Hanggang sa dumating na nga ang napakabonggang proyekto ng GMA na nagpabago sa kanyang mga plano — ito nga ang pinakaaabangang primetime action-fantasy series na “Voltes V: Legacy” kung saan isa siya sa mga bida.


Sabi ni Matt, ang pagdating ng “Voltes V” sa buhay niya ang nagpabago ng lahat kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa GMA 7 dahil binigyan pa siya ng dahilan para manatili sa showbiz.

“Dumating kasi ako sa point na dati na wala na, lahat ng pinag-auditionan ko, ‘di naman ako nakukuha so nag-focus ako sa music,” ang pahayag ni Matt sa panayam ng GMA Network.

Baka Bet Mo: Kim muntik nang mag-quit sa showbiz dahil sa sampal ni Glydel: Krayola talaga

Sa isa pang panayam, sinabi ni Matt na grabe yung nararamdaman niya noon dahil dito, “Alam mo ‘yung pakiramdam ko nu’ng time na ‘yun, parang body shaming sa sarili. Kasi doon ko nakita sa sarili ko na, ‘Ano ang ginagawa ko sa sarili ko bakit ako naging ganito?’


“Eventually noong nag-audition ako sa Voltes V, nag-thrive ako na, okay lang na mataba pa rin ako pero dapat healthy tayo.

“Proud ako na sabihin din na kahit malaki ako, kaya ko ‘yan kasi nagte-training kami. And thankful ako kasi sa Voltes V, nabago nila ako. Kahit na mataba pa rin ako, I can say na I’m healthy,” sabi pa niya.

Si Matt ang napili para sa role ni Robert “Big Bert” Armstrong, ang heavyweight defense tactician ng Voltes V team. Si Big Bert din ang kumokontrol sa Volt Panzer o sa body chest ng robot dahil sa kanyang built.

“I think ‘yung pinakanagbago lang sa akin is kung paano ako nag-perform sa Voltes V.

“I think there will be a lot of opportunities din for future projects hopefully. And kung ‘di naman, siguro natutunan ko kasi kung paano ko ilaban kung ano ‘yung kakayanin ko, so ‘yun tuloy-tuloy lang ang laban,” ang pahayag pa ng singer-actor.

Pahayag pa ni Matt, ngayong tapos na ang taping nila para sa “Voltes V”, plano na niyang ituloy ang pagbabawas ng timbang. Ito raw ang gagawin niyang  “next project” para na rin sa kanyang kalusugan.

Una munang mapapanood ang “Voltes V: Legacy” sa mga sinehan simula sa April 19 bago ito mag-world premiere sa GMA 7  sa susunod na buwan. Makakama niya rito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega at Radson Flores.

Jak Roberto sugatan ang kamao sa taping; Matt Lozano, Radson Flores todo training na para sa ‘Voltes V’

Iya Villania balak magparetoke ng ‘dey dey’; Matt Lozano may regalo sa Team Sawi

Read more...