Kim, Xian muling nagpasabog ng kilig sa socmed, magkasamang sinalubong ang Easter Sunday sa Balesin | Bandera

Kim, Xian muling nagpasabog ng kilig sa socmed, magkasamang sinalubong ang Easter Sunday sa Balesin

Ervin Santiago |April 11,2023
facebook
share this

Kim, Xian muling nagpasabog ng kilig sa socmed, magkasamang sinalubong ang Easter Sunday sa Balesin

Ervin Santiago - April 11, 2023 - 10:43 AM

Kim, Xian muling nagpasabog ng kilig sa socmed, magkasamang sinalubong ang Easter Sunday sa Balesin

Kim Chiu at Xian Lim

NATAHIMIK na rin sa wakas ang kalooban ng mga loyal KimXi fans nang makita ang latest photos nina Kim Chiu at Xian Lim sa social media.

Nag-alala kasi ang mga supporters and social media followers ng celebrity couple dahil napansin nila na nitong nagdaang Holy Week ay puro solo pictures lang ang ipino-post ni Xian sa Instagram.

Marami ang nagtanong sa comments section ng IG post ni Xian kung nasaan si Kim at kung magkasama ba silang nagbakasyon nitong nagdaang Semana Santa. Feeling ng iba ay nagkanya-kanya raw ang magdyowa sa kanilang Holy Week vacay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Pero ngayon nga ay palagay na ang kanilang kalooban matapos magbahagi sina Kim at Xian sa kani-kanilang IG account ng sweet photos together pati mga video na kuha sa napakagandang isla ng Balesin.

Mukhang enjoy na enjoy naman ang dalawa habang magkasama sa Balesin kung saan nila sinalubong at ipinagdiwang ang Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Baka Bet Mo: Xian Lim hindi pa handang maging tatay: Spiritually, I think I need a proper mindset for it

Sa Instagram ni Xian, naka-post ang isang reel na may background music ng awiting “Buko” ni Jireh Lim na pinaikling “buhay ko”. Tinag din ng Kapuso actor  ang kanyang longtime girlfriend.

Nag-comment naman agad si Kim sa sweet at pakilig post ni Xian, “In fairness dami nating picture sa BUKO!!!!” na sinundan pa niya ng laughing emoji at hashtag “#BUhayKO.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alexander Xian Lim Uy (@xianlimm)


Siyempre, hindi rin nagpatalbog si Kim kay Xian at nag-post din ng isang reel sa kanyang IG account. Mapapanood naman dito ang ilang mahahalagang kaganapan sa pagbabakasyon nila sa Balesin.

“Its the little things that make you @xianlimm,” ang maikling mensahe ni Kim para sa kanyang dyowa.

“Halaaaaaaaaaa awww I love you! Happy birthmonth!” ang hirit na comment naman ni Xian.

Narito ang ilang reaksyon ng mga netizens sa pampa-good vibes at pakilig na trending posts ng celebrity couple.

“Mapapa-SANA all ka na lang talaga.”

“Huy kalamahan nyo yan lovebirds trending tuloy kayo.”

“Whoa!!! Ang saya!!! Hinding-hindi nagpapasindak ang lovebirds!!!”

“Kakainis pakasal na kayo!”

“Sana all man kaayo ni sila oii. stay inlove lovebirds.”

“Nakakakilig naman masyado matamis.”

“Their relationship maybe lowkey but what they have is real and true… no PDA’s needed, with how they stare at each other, one will feel the deep love they feel for each other.”

“My Kinikilig couples bet ko sila bess! so cute this two!”

“Sana kayo na forever, bagay na bagay kayo sa isat-isa.”

Samantala, sa April 19, magse-celebrate naman si Kim ng kanyang 32nd birthday.

Bonggang kasal ng kongresista sa Balesin binatikos nina Agot, Pokwang at Enchong; naawa sa mga PUV driver

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Banat ni Heart sa basher na tumawag sa kanya ng baog: Ul*l…the only word you can understand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending