Top 5 sa ‘Photoshoot Challenge’ ng Miss Universe PH 2023 ibinandera na
IBINANDERA na ng Miss Universe Philippines Organization ang limang kandidatang nakapasok sa “Photoshoot Challenge” na bahagi ng ginaganap ma pre-pageant round.
Kahapon, April 10, ipinost ng Miss Universe PH organizers sa kanilang official social media accounts ang itinanghal na Top 5 sa naturang challenge.
Sa pamamagitan ng Miss Universe Philippines application, ang mga pageant fans mismo ang bumoto sa kanilang favorite candidates kung saan nga kinuha ang limang candidates na nanguna sa challenge.
Baka Bet Mo: Yassi Pressman sa viral ‘toxic plant’ photoshoot: OK po ako at safe po ako!
Pasok sa Top 5 sina Airissh Ramos ng Eastern Samar, Angelique Manto ng Pampanga, Jannarie Zarzoso ng Agusan Del Norte, Lesly Sim ng Quezon Province, at Princess Anne Marcos mula naman sa Bulacan.
Mula sa Top 5, pipiliin ang isang kandidata na makakapasok sa finals night na sigurado nang makakakuha ng spot sa semi-finals ng naturang national pageant.
Kasunod nito, abangers na rin ang mga Pinoy pageant fans all over the world sa next challenges tulad ng Swimsuit at Runway Challenges.
Sa May 13 na magaganap ang Miss Universe Philippines 2023, at itatanghal sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Dito, ipapasa na ni Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi ang kanyang korona sa kandidatang papalit sa kanyang trono na siyang magiging representative ng Pilipinas sa Miss Universe 2023.
Ivana Alawi nasa Top 10 ng ‘100 Most Beautiful Faces in 2022’, 3 pang celebs pasok din
Jillian Ward ready na sa mature roles: Gusto kong ma-try maging mermaid
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.