Ivana Alawi nasa Top 10 ng ‘100 Most Beautiful Faces in 2022’, 3 pang celebs pasok din | Bandera

Ivana Alawi nasa Top 10 ng ‘100 Most Beautiful Faces in 2022’, 3 pang celebs pasok din

Pauline del Rosario - December 30, 2022 - 12:03 PM

Ivana Alawi nasa Top 10 ng ‘100 Most Beautiful Faces in 2022’, 3 pang celebs pasok din

APAT na Pinay celebrities ang nakapasok sa listahan ng “100 Most Beautiful Faces in 2022” ng critic website na TC Candler.

Una na riyan ang aktres at YouTube vlogger na si Ivana Alawi na nasa Top 6.

Ito na ang ikatlong taon na napasama si Ivana sa listahan na kung saan ay nasa pang-apat siya last year, habang nasa pang-11 noong 2020.

Nasa number 23 naman ang aktres na si Liza Soberano.

Ito na ang pang-walong taon ni Liza sa “Most Beautiful Faces” list na kung saan ay nasa top 18 siya last year, at naging number one noong 2017.

Sa ikalawang pagkakataon naman ay muling napasama ang TV host-actress na si Janine Gutierrez sa listahan at siya ay nasa ika-51st sa listahan.

At ang pang huling Pinay ay ang Filipino-American singer at TikTok sensation na si Bella Poarch na nasa number 80.

Samantala, ang itinanghal na “Most Beautiful Face” ngayong taon at nangunguna sa listahan ay walang iba kundi ang Victoria’s Secret Angel na si Jasmine Tookes.

Sumunod naman sa kanya ang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na Momoland na si Nancy McDonie, pati ang Blackpink member na si Lisa.

Bukod sa mga nabanggit, nasa listahan din ng top 100 ang ilang bigating Hollywood Stars gaya nina Gal Gadot, Margot Robbie at ang pop superstar na si Dua Lipa.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ivana Alawi pasok sa Top 5 ng ‘100 Most Beautiful Faces 2021’, Blackpink Lisa No. 1 sa listahan

Hirit ni Janine nang makapasok sa 100 Most Beautiful Faces 2021: I think pinakamaganda naman talaga ang Filipina

Sobrang taga ng mga private hospitals sa COVID patients, buking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending