‘ReINAnay’ Leona Luisa Andersen naghahanda na sa Mrs. International pageant | Bandera

‘ReINAnay’ Leona Luisa Andersen naghahanda na sa Mrs. International pageant

Armin P. Adina - April 09, 2023 - 02:37 PM

Mrs. Philippines International 2021 Leona Luisa Andersen-Jocson

Mrs. Philippines International 2021 Leona Luisa Andersen-Jocson/ARMIN P. ADINA

MALAYO na ang narrating ni “ReINAnay” Leona Luisa Andersen mula nang maging first runner-up sa “ReINA ng Tahanan” contest ng noontime show na “It’s Showtime” noong 2021. Isa pa siyang solo parent noon na nakahanap ng panibagong alagwa sa mundo ng pageantry na pinamayagpagan niya noong hindi pa siya ina. Ngayon, hindi lamang niya natagpuan ang kaniyang katuwang sa buhay na pinakasalan niya, kaya nadagdagan na ng “-Jocson” ang apelyido niya, may inaasinta pa siyang mas malaking korona.

“I am now ready for a bigger stage—THE INTERNATIONAL STAGE,” sinabi niya sa Facebook makaraang isalin ang titulo bilang Mrs. Philippines International sa tagapagmana niya sa pagtatanghal ng pambansang patimpalak sa grand ballroom ng Okada Manila sa Parañaque City noong Abril 4, Martes-Santo.

Nagpatala si Andersen para sa 2021 Mrs. Philippines International pageant makaraang masilat sa monthly round ng ReINA ng Tahanan. Nagwagi siya sa daily at weekly round. Ngunit nang nakapasok na siya sa pambansang patimpalak, tinawagan siya ng programa upang isalang sa wildcard round. Pumayag siya at nakakuha ng puwang sa grand finals, na itinanghal bago ang pambansang pageant niya.

Taglay ang sariwang karanasan sa isang contest na napanood sa telebisyon sa buong bansa, nanaig ang reynang ina sa pambansang patimpalak at nasungkit ang pinakamahalagang korona ng gabi, at tinanggap ang karapatang katawanin ang Pilipinas sa Mrs. International pageant.

“Remember why you started,” sinabi ni Andersen sa farewell speech niya. Sinabi niyang nagbago at naging makulay ang buhay niya nang masungkit ang titulo noong Dis. 18, 2021. Inilarawan din niya ang mahigit isang taong pagrereyna bilang “an enjoyable rollercoaster ride” na naghatid ng mga ala-ala at mga aral.

“Since the crown was placed on my head, I had a literal reminder of all my responsibilities as the current titleholder. I said to myself that I have to keep my momentum consistent and make my name not known but remembered,” pagpapatuloy pa niya.

Pinasalamatan din ni Andersen ang ina at anak na nagsilbi umanong inspirasyon niya. Nagpasalamat din siya sa kaniyang “ex-boyfriend [who] is now my husband” para sa pagiging numero unong taga-suporta, at “for always boosting me up when I start doubting myself, and for putting me back on track when I feel like giving up.”

Nagpasalamat din ang reyna sa Mrs. Philippines International organization. “You have molded me into a better woman for not just the Philippines but ready to conquer internationally.” Pinasalamatan din niya ang mga taga-suporta, “and those who continue to believe in me, you are the highlights for me to keep going on.”

Binati rin niya ang tagapagmana bilang Mrs. Philippines International na si Irma Bitzer. “I am indeed proud that my successor is someone who is as goal-driven and persistent as I am. Now I know that I have finished my reign in a great way, and that someone will still continue the momentum that I have left,” sinabi niya sa isang Facebook post.

“Philippines, I will conquer the next competition with more power, love, compassion, character, consistency, and dedication. It’s no longer my name that I will bring, but I will bring our country with all my heart,” pagpapatuloy ni Andersen sa talumpati niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi rin niya sa Inquirer na pansamantalang nakatakda sa Disyembre ang pagtatanghal ng 2023 Mrs. International pageant. May tatlong kategorya ang pandaigdigang patimpalak (Mrs., Elite, at Ms.), kaya kasama niyang babandera doon ang mga kapwa national titleholder ng 2021 na sina Elite Mrs. Philippines International Genevieve Louw at Ms. Philippines International Marites Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending