Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign… | Bandera

Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…

Pauline del Rosario |April 09,2023
facebook
share this

Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…

Pauline del Rosario - April 09, 2023 - 02:48 PM

Hirit ni Ogie Diaz kapag bumalik sa ABS-CBN si Willie Revillame: Mula sa top management ang magre-resign…

KAHIT wala pang kumpirmasyon mula mismo sa Tv host na si Willie Revillame, kumbinsido ang talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na tuluyan na nang nag-resign si Kuya Wil sa ALLTV.

Inihayag niya ito at ang kanyang nasagap na chika sa bago niyang segment na “Showbiz Update” sa YouTube.

“Naniniwala talaga ako na nag-resign na si Willie. Hindi na siya nakapaghintay pa kung babalikan siya ng AMBS o ALLTV para sa pagbabalik ng kanyang Wowowin…Pero sigurado naman ‘yun kung hindi man matuloy ang show ni Willie ay bayad naman sila,” sey ni Ogie.

Kung maaalala, kamakailan lang ay ibinalita ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin ang tungkol sa pag-alis ni Kuya Wil sa nasabing istasyon.

Bukod sa pagiging host ng programang “Wowowin,” isa rin siya sa creative head ng ALLTV.

“Pero siyempre, parang ‘stop the bleeding’ nga ang naganap. Medyo dinudugo, puro pera ang palabas sa ALLTV hininto na nila ‘yun kasi walang masyadong mahusay na marketing na strategy,” dagdag ni Ogie.

Sambit pa niya, “At the same time, papunta na sa digital world e. Andun na ang audience. Kaya nga kahit ang ABS-CBN, hindi na sila nangangarap na magkaroon pa ng prangkisa kasi nakikipag-sanib pwersa na sila sa iba. Parang sa ngayon, okay na sila sa cable TV.”

Baka Bet Mo: True ba, Willie humingi ng tulong sa NBI para ipa-lie detector test ang ilang staff?

Opinyon ng talent manager na kaya nag-resign si Kuya Wil ay dahil naramdaman na nito na baka hindi na ibalik ang kanyang show sa AMBS.

“‘Feeling nga siguro ni Willie, hindi na matutuloy ang kanyang show kaya siya nag-resign na,” sey niya.

Gayunpaman, kung ipagpapatuloy pa rin ang “Wowowin” ay mas mainam daw na magkaroon ng rebranding para mas marami ang tumangkilik sa kanya.

Saad ng vlogger, “So kung ako kay Willie, i-reinvent niya ang kanyang sarili, magpa-assess siya sa ibang tao o kaya ay mag-rebranding.”

Nabanggit pa ni Ogie na posibleng hindi na tanggapin ng dalawang malaking istasyon si Kuya Wil.

“Dati hinabol pa siya ng GMA pero umayaw na siya kasi malaki ang offer ni Manny Villar sa kanya. So I don’t think hahabulin pa siya ng GMA 7,” kwento ni Ogie.

Chika pa niya, “Ang ABS-CBN naman, e ang alam ko, once na makabalik ng ABS-CBN si Willie Revillame, isang tao mula sa top management ang magre-resign. Nakarating sa atin na parang pinasakit ng ulo ni Willie. Di ko lang alam ha kung sino ‘yung tao na ‘yun.”

Bagamat ay naniniwala pa rin si Ogie na kung gugustuhin pa rin ni Kuya Wil na makapagpasaya at makatulong sa ibang tao ay makakagawa pa rin ito ng paraan para buhayin ang kanyang show.

“Siyempre knowing Willie, maprinsipyo din ‘yan. Gagawa at gagawa pa rin ‘yan ng paraan para makapagpasaya ng tao,” saad ni Ogie.

Dagdag niya, “Kung si Willie ay hindi tatanggapin ng ABS-CBN o ng GMA e wala rin naman siyang pakialam. Dahil magma-magic ‘yan ng paraan para maihatid niya ang pagbibigay ng ayuda sa mga kababayan nating mahihirap.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Willie Revillame pinatutsadahan si Ogie Diaz matapos punahin ang ‘technical problem’ sa launching ng ALLTV?

Willie Revillame inaming siya mismo ang nakikipag-usap sa mga artistang lilipat sa ALLTV, may pakiusap sa netizens

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending