Ilang celebrities, netizens naki-join sa viral filter na ala-‘Barbie’ poster 

Ilang celebrities, netizens naki-join sa viral filter na ala-‘Barbie’ poster 

HINDI nagpatalbog at may kanya-kanyang entry ang ilang Pinoy celebrities at netizens sa bagong trend ng live-action film na “Barbie.”

Matapos kasi ilabas ang teaser trailer ng nasabing pelikula ay may inilunsad na “Barbie Selfie Generator” ang Warner Bros. Entertainment Inc. na kung saan ay pwedeng i-edit at ilagay ang sariling picture sa Barbie poster.

Bukod diyan ay pwede ring mapalitan ang “Barbie and Ken” na description.

At dahil nga diyan ay napagkatuwaan ito ng maraming Pinoy at nakisabay na sa mala-”Barbie World” na peg.

Isa na riyan ang nag-viral na post mula sa Facebook page ni Jolegend Slaydangal na inilagay ang mukha ng iconic love team na si Jolina Magdangal at Marvin Agustin.

May caption din ito na hango pa sa sikat nilang linyahan sa 1998 film na “Labs Kita Okay Ka Lang.”

Baka Bet Mo: Margot Robbie, Ryan Gosling magtatambal sa live-action film ng ‘Barbie’

May entry din ang batikang aktres na si Mariel Soriano at sey pa niya sa description, “This Barbie is a Diamond star.”

Pak na pak din sa kanyang filter si Miss Grand International first runner-up Samantha Bernardo.

Naikuwento pa niya sa post na paborito niya ang Barbie dahil sa kanilang makeup at nakakaakit na itsura.

Caption niya sa Facebook post, “Augh, this is so cute. [flower emoji] This is my favorite growing up not because of their physique and beautiful clothes but because of their makeup and glamour!”

“When I was a kid, my dream was to work in salons so that I can make everyone happy, confident and beautiful! I love watching people doing their nails and hairs done,” chika pa niya.

Nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang live action film na “Barbie” sa July 19.

Ang bibida bilang iconic fashion figurine ay ang Oscar-nominee actress na si Margot Robbie, habang ang love interest at bot toy na si Ken ay gagampanan ng Hollywood actor na si Ryan Gosling.

Bukod sa dalawa, tampok din sina Simu Liu, America Ferrera, Will Ferrell, Kate McKinnon, Dua Lipa, at Issa Rae, at  marami pang iba.

Related Chika:

Miles Morales ng animated film na ‘Spider-man’ may bagong kapalaran na tatahakin

Read more...