Manny Villar nangunguna sa ‘Richest Filipinos’ ng Forbes magazine

Manny Villar nangunguna sa ‘Richest Filipinos’ ng Forbes magazine

ANG real estate mogul na si Manuel “Manny” Villar Jr. ang number one sa listahan “Richest Filipinos”, ayon sa American business magazine na Forbes.

Ayon sa Forbes, si Villar ay may net worth na $8.6 billion o mahigit P468 billion.

Pangalawa sa nasabing listahan ang may-ari ng ports operator na International Container Terminal Services Inc. at casino company na Bloomberry Resorts Corp. na si Enrique Razon Jr. na may net worth na $7.3 billion o mahigit P397 billion.

Nasa Top 3 naman ang presidente ng San Miguel Corp. (SMC) na si Ramon ang na may kayamanan na $3.4 billion o mahigit P185 billion.

Parehong nasa pang-apat na pwesto sina vice chairman ng SM Investments Corp. na si Henry Sy Jr., at ang founder ng Alliance Global Group Inc. na si Andrew Tan na may $2.5 billion o higit P136 billion.

Tie din sa number five spot ang magkapatid na Hans Sy at Herbert Sy, pati na rin si Lucio Tan na magkakaperehong net worth na $2.4 billion o mahigit P130 billion.

Nasa pang-anim ang magkakapatid din na Harley Sy at Teresita Sy-Coson na may P2.2 billion each o halos P120 billion.

Kasunod nila sa listahan ang isa pa nilang kapatid na si Elizabeth Sy na may net worth na $1.9 o P103 billion.

Number eight naman ang CEO ng JG Summit Holdings na si Lance Gokongwei na may $1.4 billion o P76 billion.

Ang Jollibee founder na si Tony Tan Caktiong ay may yaman na aabot ng $1.2 billion o P65 billion ay nasa number nine.

At ang bumubuo ng top 10 ay ang board director ng San Miguel na si Iñigo Zobel na may $1 billion o mahigit P54 billion.

Samantala, ayon sa Forbes, ang nangunguna na pinakamayaman sa buong mundo ay ang French luxury goods tycoon na si Bernard Arnault na may net worth na $211 billion o mahigit P1.1 trillion.

Read more:

Ali Forbes nakiisa sa concert kontra sa climate change: Nagsisimula naman ang lahat sa pagsasabuhay

Read more...