Madam Kilay pinayuhan ang kapwa vloggers na nagpo-promote ng sugal: Be a good influencer to everyone
NAGBIGAY ng payo ang social media influencer na si Madam Kilay patungkol sa mga kapwa vloggers na hinahangaan at sinusundan ng nakararami.
Sa kanyang Facebook account ay inilabas niya ang kanyang saloobin sa mga kapwa content creators na nag-e-endorse ng mga gambling websites sa kanilang vlogs at social media pages.
“KUMIKITA NAMAN NA TAYO SA CONTENT WAG NA MAG INFLUENCE MAG SUGA. Your not a VLOGGER FOR ME! Wag nyo dungisan ang industriya ng Vlogging. Hindi magandang halimbawa,” saad ni Madam Kilay.
Bukod sa text post ay gumawa na rin ng video ang content creator patungkol sa mga taong nag-eendorso ng pagsusugal.
Ani Madam Kilay, marami raw sa mga netizens ang nagta-tag at nagtatanong sa kanya kung ano ang masasabi niya sa mga “vloggers” na nanghihikayat sa mga kapwa Pinoy na magsugal.
“Sa mundo ng vlogging, hindi ganyan. Kapag sinabing vloggers ka, vlogging ka. Ikinukwento mo ang buhay mo, anong nangyayari sa paligid mo… pero ‘yung mag-influence ka or mag-invite ka ng tao para magsugal, hindi na vlog ‘yun. Bad influence ka na.
“Kaya hindi kita matatawag na vloggers. kapag nang-eenggayo kayo na magsugal. Huwag n’yong sabihin na vloggers kayo kasi ekis kayo dyan,” saad ni Madam Kilay.
Aniya, naiintindihan naman daw niya ang mga vloggers na nag-eendorse ng pagsusugal dahil kumikita sila rito ng pera pero para sa kanya ay hindi ito magandang gawin.
“Pera rin ‘yon, endorsement, may bayad. Kasi siyempre lahat naman tayo kailangan natin ng pera. Realtalk lahat ng tao kailangan ng pera pero hindi naman ‘yung sobra sobra na. Grabe naman ‘yung kasakiman mo. Vlogger tayo, content creator tayo.
Baka Bet Mo: True ba, sikat na aktres madalas magsugal sa casino kasama ang dyowa?
“Kumikita naman tayo sa pagba-vlog. Kada views natin, kada post natin ng video at may views, kumikita ‘yun, may pera yan dyan. Ok na sana ‘yun. Gumawa ka nalang ng content na maganda, nakapagpapasaya, nakakapagpatanggal ng negative [vibes] sa tao, positive na content… Huwag ka nang mang-engganyo ng mga followers na magsugal,” talak ni Madam Kilay.
Given naman na daw talaga na nasa paligod lang ang mga sugal pero ibang usapan na ang manghikayat ng mga tao na magsugal at maglustay ng pera.
Sey pa ni Madam Kilay, parang niloloko na ng mga vloggers na nag-eendorso na magsugal sa pamamagitan ng mga links na magkakaroon sila ng chance manalo sa sigal at easy money lang ito.
“Huwag n’yong hayaan ang mga tao na mag-expect sa inyo na ‘mananalo kayo rito, easy money to. I-click n’yo ang link na to, mananalo kayo’ blablabla. Panloloko sa tao ‘yang ganyan… nakakasira kaya sa image ‘yun.
“Kung saan ka na lang sumikat, steady ka na lang doon. Kung saan mga content mo, kung anong mga ginagawa mo, steady ka na lang doon. Kumikita ka na lang doon,” sey pa ni Madam Kilay.
Payo pa niya, sana raw ay may mga paalala ang mga vlogger na huwag basta magsugal at kung magsusugal ay extrang pera lang ang gamitin para maiwasan marahil ang mabaon sa utang.
Marami raw ang nag-aaya sa kanya na mag-endorse ng sugal pero inayawan niya dahik hindi naman daw ito ang kanyang pino-promote at panget ‘yun sa branding niya.
“Be a good influencer to everyone. ‘Yun lang ang message ko sa kapwa ko vloggers,” hirit pa ni Madam Kilay lalo na at maraming kabataan ang mga manonood at maaring maimpluwensiyahan ng kanilang pino-promote.
Related Chika:
MG nagpasalamat kina Wilbert at Zeinab dahil sa ‘views’: Kung wala kayo wala akong pang good time
Madam Kilay proud na ibinandera ang panganganak: ‘Welcome to the world Baby Lakas!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.