Ryza tinatawag pa ring 'ingrata', 'walang utang na loob' dahil sa pag-alis sa GMA: May binabayaran din kaming bills, kailangan naming magtrabaho | Bandera

Ryza tinatawag pa ring ‘ingrata’, ‘walang utang na loob’ dahil sa pag-alis sa GMA: May binabayaran din kaming bills, kailangan naming magtrabaho

Ervin Santiago |April 04,2023
facebook
share this

Ryza tinatawag pa ring ‘ingrata’, ‘walang utang na loob’ dahil sa pag-alis sa GMA: May binabayaran din kaming bills, kailangan naming magtrabaho

Ervin Santiago - April 04, 2023 - 06:49 AM

Ryza takang-taka kung bakit tinatawag pa rin siyang 'ingrata', 'walang utang na loob': May binabayaran din kaming bills, kailangan naming magtrabaho

Ryza Cenom

HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring ikinakabit sa Kapamilya actress na si kay Ryza Cenon ang isyu ng pagiging “ingrata” at “kawalan ng utang na loob“.

Ito’y may kaugnayan pa rin sa pag-alis niya sa GMA 7 ilang taon na ang nakararaan, kaya naman nagtataka raw ang aktres kung bakit big deal pa rin ito sa mga bashers.

Matapos manganak sa kanyang panganay ay muling sumabak sa pag-aartista si Ryza. Nakagawa siya ng ilang pelikula mula sa Viva Films at kasama rin siya ngayon sa Kapamilya series na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Bukod dito, ka-join din siya sa romance-comedy series ng TV5 at VIVA Entertainment na “Kurdapya” na pinagbibidahan nina Yassi Pressman at Marco Gumabao.

Sa presscon ng nasabing programa, natanong muli si Ryza tungkol sa naturang issue. Napailing muna ang aktres bago sumagot.

“Ang mga artista same lang ‘yan ng mga nagtatrabaho, ng may trabaho, di ba? Hindi porke’t lumipat ka ng ibang istasyon, wala ka nang loyalty. Siyempre meron din kaming mga pangangailangan, binabayarang bills, ganyan. So kung saan po may trabaho, doon kami.

“Kung saan may offer, doon din kami, ‘di ba? Pero hindi ibig sabihin nu’n, bigla ka na lang aalis. Siyempre, magpapaalam ka nang maayos. So ‘yung time na lumipat po ako, nagpaalam ako nang maayos,” simulang paliwanag ng celebrity mom.

Baka Bet Mo: Nanay tips ni Ryza para sa mga nagta-tantrums na baby: Hayaan n’yo muna, wag natin silang pagalitan, pagsabihan o sigawan

Dugtong pa niya, “Kinausap ko ho lahat doon sa taas, du’n sa dati ko pong network and then lumipat na po ako. So, sa ngayon actually, di na dapat issue ‘yan, eh. Kasi ngayon, nagku-collab na lahat, eh, ng networks, di ba?” pagpapatuloy niya.

“So dapat hindi na big deal sa kanila ‘yun. Sana suportahan na lang nila lahat ng ginagawa namin dito sa showbiz industry na kami, ano, eh, nagtutulung-tulong na kami para meron kaming maipalabas na maganda at maipakita kami na kaya rin namin ‘yung quality ng K-drama,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon)


Samantala, kasama ni Ryza sa mediacon ng “Kurdapya” ang super cute niyang anak na si Night. Kaya naman natanong din siya about her journey being a mother lalo na ngayong sunud-sunod ang kanyang work.

“Nagiging balanced po ‘yung nangyari. I get to spend time with my son and I have time for my career. So nagiging balanced na po siya ngayon.

“He is a big boy already. He is two years old now and malikot na po siya ngayon. Sumasakit na po ‘yung ulo ko and back,” natatawang chika ng celebrity mom.

Ngayong mommy na siya, willing pa ba siyang gumawa ng daring roles at love scenes? “It depends on the script. And if it really is required to be daring for the scene. Like in Ang Manananggal Sa Unit 23B, I had to do for the character to transform.

“I was willing to do it kasi kailangan talaga sa story. But kung yung basta sexy lang, pass na po ako du’n,” paliwanag ni Ryza.

Liza matapang na sinagot ang mga tumawag sa kanya ng ‘walang utang na loob’, ‘ingrata’; may mensahe kay Ogie Diaz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ryza Cenon pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘ingrata’ at ‘insensitive’ ng bashers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending