Bong bibida uli sa TV remake ng ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’, si Beauty nga ba ang magiging leading lady?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Beauty Gonzales, Lani Mercado at Bong Revilla
TULOY na tuloy na ang bagong project ni Sen. Bong Revilla sa GMA 7 na very soon ay mapapanood na ng mga loyal Kapuso viewers.
Ito ang TV remake ng action-comedy-romance na “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” na pinagbidahan din noon ni Sen. Bong atng kanyang asawang si Congresswoman Lani Mercado.
Kuwento ng aktor at public servant, excited na siya para sa kanyang upcoming project dahil matagal-tagal na ring nagtapos ang kanyang last weekly series sa GMA 7 na “Agimat ng Agila” kung saan nakatambal niya si Rabiya Mateo.
Nakachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng media si Sen. Bong kanina at naikuwento nga niya ang tungkol sa latest project niya sa Kapuso Network.
Hindi binanggit ng senador kung sino ang magiging leading lady niya sa naturang serye, hahayaan na lamang daw niya na ang GMA ang mag-announce ng tungkol dito.
Pero may chika nga na ang makakasama ng veteran action star sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” ay si Beauty Gonzalez na gaganap na palaban at walang inuurungang misis niya sa kuwento. Pero sabi nga ni Sen. Bong, abangan na lang natin ang gagawing official ann0uncement ng GMA 7.
Kung matutuloy nga, ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sila ni Beauty kaya super excited na siya sa pagsisimula ng kanilang shooting anytime soon. In fairness, aprub na aprub naman daw kay Cong. Lani si Beauty bilang leading lady ni Sen. Bong.
Samantala, inupakan naman ng senador ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa isang viral video na umikot sa social media, detalyadong ikinuwento ng isang pasaherong papunta sana sa Israel ang kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO) nang siya’y isailalim nito sa puro “walang-katuturan” na pagtatanong hanggang sa pwersahin pa itong i-produce ang kanyang school yearbook.
Dahil diyan ay naiwan ang pasahero ng kanyang flight sa kabila ng pagpunta sa airport ilang oras bago umalis. Mas masahol, kinailangang gumastos muli ang pasahero para magpa-rebook.
Ayon sa public servant, marami nang natatanggap na reklamo ang kanyang tanggapan ukol sa offloading nitong nakaraang taon pa at kanila nang iniimbestigahan ang isyu, hanggang sumambulat na nga ito.
“Tinitingnan na namin ito since last year, at eto at pumutok na. Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice inoffload despite our correspondence with BI,” kwento niya.
“Ang katwiran ng BI, iba daw yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala daw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?” hirit pa ng husband ni Cong. Lani.
Pinuna rin niya ang kasalukuyang polisiya ng BI sa pag-offload na ayon dito ay kung may marangal man na hangarin ay hindi kaaya-aya ang nagiging resulta, “Sa pagkakataong ito, it looks like the solution being implemented is worse than the problem.”
Ayon sa statement na inilabas ng BI, sa 32,404 na pasaherong kanilang inoffload noong 2022, 472 lamang ang may kaugnayan sa human trafficking, 873 ang umano’y nag-misrepresent sa kanila, at 10 ay mga menor-de-edad.
“Sa lagpas 30,000 na inoffload at inabala ng immigration na yan, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakakagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” punto ng mambabatas.
“Over 95% talagang inabala at pinagastos lang. Ibig sabihin, isa lang sa bawat dalawampung inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan?,” paliwanag nito.
“Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance.
“Anong nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise.
“Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid iyang di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!” pagbabahagi pa ng senador.
Naniniwala siya na harapang pagyurak sa constitutionally guaranteed right to travel ang ginagawa ng BI, at maaari pang pagyapak sa kapangyarihan ng mga Korte na mag-issue ng Hold Departure Orders (HDO) kung may batayan.
“Parang daig pa nila ang korte. Napaka-absurd yata na yung nakagawa ng krimen, basta’t walang HDO makakaalis, pero yung mga ordinaryong Pilipino na gusto lang makaranas ng bakasyon sa ibang bansa, basta-basta lang iniipit at hindi pinaaalis. Over-stepping na yan,” paliwanag nito.
Tuloy-tuloy pa rin ang pag-offload ng BI sa kabila ng mga patakarang inilatag sa Memorandum Circular No. 036, s. 2015 ng Department of Justice na nagtakda ng revised guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Passengers.
Ayon sa circular “only when a tourist passenger is identified by the immigration officer to have doubtful purpose of travel, fraudulent, falsified or tampered travel documents, or identified as a potentially trafficked person may he/she be not cleared for departure or recommended for deferred departure and turned over to the Travel Control and Enforcement Unit.” At “[a]s much as practicable, secondary inspection shall not exceed 10 minutes unless extraordinary circumstances require a longer period of inspection”.
“This is obviously being abused. Napakalaki ng latitude being given to these IOs. Sobrang broad ng authority at ng discretion. Daig pa nila mga consul sa pag-iissue ng visa,” pahayag pa ng award-winning actor.