Lolit Solis ipagtatanggol hanggang kamatayan si Bong Revilla: I will take a bullet! | Bandera

Lolit Solis ipagtatanggol hanggang kamatayan si Bong Revilla: I will take a bullet!

Therese Arceo |August 03,2022
facebook
share this

Lolit Solis ipagtatanggol hanggang kamatayan si Bong Revilla: I will take a bullet!

Therese Arceo - August 03, 2022 - 07:18 PM

Lolit Solis ipagtatanggol hanggang kamatayan si Bong Revilla: I will take a bullet!
LABIS ang pasasalamat ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis matapos bayaran ni Sen. Bong Revilla ang kanyang hospital bill noong magkasakit siya last month.

Matatandaang naospital ang talent manager nitong Hulyo 17 dahil sa hindi siya makahinga nang maayos.

Nagbiro pa nga noon si Manay Lolit na baka ipinapakulam na siya ng Kapuso star na si Bea Alonzo dahil sa madalas niyang pang-o-okray dito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lolit Solis Official (@akosilolitsolis)

At kahapon nga ay ibinahagi niya na handa siyang ipagtanggol si Sen. Bong hanggang kanyang kamatayan.

“Talagang I will take a bullet for Bong Revilla Salve at Gorgy. Nakita ko sa kaniya iyong sincere na concern sa kalagayan ko,” saad ni Manay Lolit.

Nagulat na lamang daw siya nang malamang wala na siyang babayaran dahil bayad na raw ng senador ang lahat ng gastos sa ospital.

Kinausap rin daw nito ang pamunuan ng ospital para alagaan siya at ibigay kung ano man ang kailangan ni Manay Lolit para sa agaran nitong paggaling.

“Iyon talagang kung meron lang siyang magagawa para gumaling ako gagawin niya talaga. Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos,” pagbabahagi ng kolumnista.

Aniya, hindi naman ang mismong pagbabayad ng kanyang bills ang naka-touch sa kanya kundi ang mga sinabi sa kanya ng actor-politician.

“Hindi iyong pagbabayad niya ng hospital bills ko ang naka-touched sa akin, iyong pagsasabi niya na don’t leave anything out to give me kung ano ang dapat para gumaling ako. Iyon lagi niyang pagtatanong kay Gorgy kung ano na ang lagay ko,” kuwento ni Manay Lolit.

Kaya naman walang pag-aalinlangan sa puso ng talent manager na patuloy na ipagtanggol si Bong Revilla dahil alam niyang hindi sayang ang kanyang pagmamahal dito.

“I will really take a bullet for Bong Revilla anytime, dahil alam ko na hindi sayang ang pagmamahal ko sa kaniya, na anuman ang ibigay ko, kaya niyang tapatan din at totoo na love begets love,” hirit ni Manay Lolit.

Pagpapatuloy niya, “Marunong siyang magmahal, kaya dapat din siyang mahalin. I love you Bong, thank you.”

Related Chika:
Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lolit Solis tinawag na ‘walang kwentang starlet’ si Ella Cruz

Ryzza Mae Dizon wala raw ‘utang na loob’, hindi nagpasalamat kay Lolit Solis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending