GINULAT ni reigning Miss Earth Mina Sue Choi, ang unang Koreanang nakasungkit sa titulo, amg mga nagtipon upang manood ng press presentation ng 2023 Miss Philippines Earth pageant nang sumampa siya sa entablado.
Siya ang nag-host sa pre-coronation event, kasama si 2019 Miss Earth Nellys Pimentel, sa Lime Beach Club ng Lime Resort Manila sa Pasay City ngayong April 3.
Kinironahan si Choi sa Maynila sa unang pisikal na pagtatanghal ng Miss Earth pageant mula nang nagsimula ang COVID-19 pandemic broke. Nakailang balik na rin siya sa Pilipinas mula nang makoronahan dito.
Ngayon, bumalik siya sa Maynila upang dumalo sa International Ecotourism Travel Mart na nagbukas noong Marso 29, kung saan sinamahan din siya nina reigning Miss Philippines Earth Jenny Ramp at Miss Earth Indonesia Karina Basrewan. Itinalaga rin ang tatlong reyna bilang embahador ng ASEAN Centre for Biodiversity.
Nakatakdang isalin ni Ramp ang titulo niya sa loob ng buwang ito. Ipinakilala na ang 29 kandidata umaasinta sa korona niya sa Lime Beach Club, suot ang mga swimsuit na dinisenyo ni Ricky Abad.
Pinagbotohan din ng mga kawani ng midya ang kanilang paborito, at itinanghal si Yllana Aduana mula Siniloan, Laguna, bilang “Darling of the Press.” Pumangalawa si Nicolle Lagera mula sa pamayanang Pilipino ng California sa Estados Unidos, habang pumangatlo si Lasil Relevo mula Balayan, Batangas.
Kabilang din si Aduana 10 “Hana Beauties” na itinanghal, kabilang ang mga kinatawan mula Zamboanga City, Iloilo City, Mangatarem sa Pangasinan, Aurora sa Zamboanga del Sur, Puerto Princesa City, Toledo sa Cebu, pamayanang Pilipino ng Melbourne sa Australia, Tuburan sa Cebu, at Carrascal sa Surigao del Sur.
Maliban sa korona bilang Miss Philippines Earth, paglalabanan din ang apat na “elemental” titles–Miss Philippines Earth-Air, Miss Philippines Earth-Water, Miss Philippines Earth-Fire, at Miss Philippines Earth-Ecotourism.
Babandera sa 2023 Miss Earth pageant sa Vietnam ngayong taon ang kokoranahang Miss Philippines Earth, at tatangkaing maging ikalimang Pilipinang makasusungkit sa pandaigdigang korona, kasunod nina Karla Henry (2008), Jamie Herrell (2014), Angelia Ong (2015) at Karen Ibasco (2017).