Coco sa nakakalokang ending ng ‘Apag’: ‘Ang labanan ngayon pagalingan, paibahan, kaya proud ako na ang pelikula namin, alam kong may laban’
“KUNG ang pelikulang mapapanood ko ngayong Summer Metro Manila Film Festival ay mga pelikula ring napanood ko nu’ng December, ulit lang. Sayang!”
Yan ang pahayag ng Teleserye King na si Coco Martin patungkol sa entry nila sa 2023 Summer Metro Manila Film Festival na “Apag” mula sa direksyon ng internationally-acclaimed filmmaker na si Brillante Mendoza.
Pagmamalaki ni Coco, ibang-iba ang reunion movie nila ni Direk Brillante sa mga nagawa niyang pelikula na nakasali noon sa December MMFF pati na rin sa mga teleserye niya sa ABS-CBN.
Shocking ang katapusan ng “Apag” kaya natanong si Coco kung aprub ba sa kanya ang ganu’ng ending, pero bago pa nakasagot ang aktor ay sumabat agad ang direktor.
Ani Direk Brillante, “Yung ending na yun nanggaling kay Coco. Kasi sabi niya, ‘Bakit ganyan ang ending mo, masyadong mabait, hindi ikaw ito! Kailangan lumabas pa rin ikaw.’ Kaya nag-suggest siya na medyo violent na kakaiba na medyo may twist talaga.”
View this post on Instagram
Reaksyon naman ni Coco, “Siyempre ako, bilang tagahanga at manonood ng mga pelikula din ni Direk, hinahanap ko yung tatak Brillante Mendoza.
“Kasi sinasabi ko, ‘Pag napapanood, anong pelikula? Sinong direktor? Brillante Mendoza.’ Tapos pag pinapanood ko siya, hahanapin ko, e. Hahanapin ko yung tatak niya, e.
“Actually, nagbigay lang naman ako ng idea. Sabi ko, ‘Direk, okay yan, maganda yung film. Pero what if, kung gawan natin ng second version?’
“Nagkuwentuhan na kami. ‘What if ganyan, ganyan.’ Kasi nu’ng ginagawa ito ni Direk, ang mindset niya, abroad. Kasi alam naman natin na kapag abroad, iba yung thinking e, lalo na pag European countries,” paliwanag niya.
Pagpapatuloy pa niya, “Siyempre as an actor, gusto ko gumawa ulit ng kakaiba naman. Yung ano ang bagong putahe? Ano yung bago kong makikita? Ano yung come on sa akin para bumalik sa sinehan? Iyon ang hinahanap ko.
“Kaya nu’ng pinanood ko yung pelikula kanina, masayang-masaya ako, hindi dahil sa kung ano yung collaboration namin ni Direk kung hindi alam kong iba naman ang pelikulang mapapanood ko.
Baka Bet Mo: Julia nakabili ng bagong bahay malapit sa mansion ni Coco
“Kasi, kung ang pelikulang mapapanood ko ngayong Summer Metro Manila Film Festival ay mga pelikula ring napanood ko nu’ng December, ulit lang. Sayang.
“E, ngayon, nakita ko ang lineup ng mga pelikula, e. Kadalasan, puro mga indie films, malalim, bago. Bagong approach, bagong mga directors, marami ring mga bagong actors na kasali.
“E, di maganda ngayon, iba yung timpla sa December, iba rin yung timpla sa Summer Film Festival,” pagbabahagi pa ni Coco pagkatapos ng special screening ng “Apag” last March 28.
Aniya pa, “Kasi po, honestly ako, alam ko ang venue na ginagalawan ko. Alam ko pag nasa TV ako. Alam ko yung mga manonood na kini-cater ko, mga tagahanga ko.
View this post on Instagram
“Alam ko rin pag gumagawa ako pag-Pasko. Alam ko yung kini-cater ko. Ngayon, kung ano man yung pelikula namin ngayon, happy ako kasi, sabi ko nga, ibang venue ito, e.
“Maaaring pareho ng Metro Manila Film Festival. Pero iba ang mga kalahok. Mas magwu-worry ako, honesty kung nagpaka-safe kami sa pelikula namin. Sasabihing ganu’n, ‘Ahhh, para rin kami isa sa mga ordinaryong pelikula na ginawa.’
“Ngayon, ang labanan dito para sa akin, pagalingan, pagandahan, paibahan. Kaya sabi ko ngayon, proud ako na ang pelikula ko, alam ko na may laban kami,” sabi pa ni Coco.
Dagdag pa niya, “Una, nagpapasalamat ako dahil naging parte ako ng pelikula. At kung ano yung ine-expect ko, kung ano yung nilu-look forward ko noong tinanggap ko ang pelikulang ito, sabi ko nga, e, habang pinapanood ko siya, talagang alam mong tatak-Brillante Mendoza.
“Yung hindi ka niya basta na parang eto lang, eto lang ang pelikula, di ba? Parang laging may twist, may kakaiba, na kung bakit siguro ang mga pelikula ni Direk Dante ay tinatangkilik sa abroad, dahil sa kanyang style, sa kanyang tatak.
“At ngayon hindi niya tayo binigo na pinakikita na naman niya, sino-showcase na naman niya ang kanyang abilidad at talento sa paglikha ng pelikula. Sobra akong nagpapasalamat at naging parte ako ng pelikulang ito,” sabi pa ni Coco Martin.
Kasama rin sa movie sina Gladys Reyes, Jaclyn Jose, Lito Lapid, Shaina Magdayao, Joseph Marco, Mark Lapid, Julio Diaz, Vince Rillon, Mercedes Cabral at marami pang iba. Showing na ito sa April 8.
Pelikulang gagawin sana ng sikat na aktres at aktor napurnada dahil sa selosong dyowa ni ate gurl
Coco hirap na hirap mag-shooting sa US: Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ‘yung mga crew doon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.