Priscilla Meirelles umalma sa pagdawit sa kanya sa hiwalayan, pinatatamaan sa IG stories natunton ng netizens? | Bandera

Priscilla Meirelles umalma sa pagdawit sa kanya sa hiwalayan, pinatatamaan sa IG stories natunton ng netizens?

Therese Arceo |March 31,2023
facebook
share this

Priscilla Meirelles umalma sa pagdawit sa kanya sa hiwalayan, pinatatamaan sa IG stories natunton ng netizens?

Therese Arceo - March 31, 2023 - 04:53 PM

Priscilla Meirelles umalma sa pagdawit sa kanya sa hiwalayan, pinatatamaan sa IG stories natunton ng netizens?
HANGGANG ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang Brazillian host at beauty queen na si Priscilla Meirelles dahil sa kanyang mga makahulugang posts sa social media.

Bagamat walang direktang pag-amin ay mukhang may pinagdaraanan ang relasyon nilang mag-asawa na si John Estrada.

Sa isang Instagram story ay tila nagpasaring si Priscilla sa mga taong sinasabihan siya na “karma” ang pinagdaraanan nila ngayon na mag-asawa.

Paglilinaw niya, dapat raw ay pag-isipang mabuti ang mga salitang ibinabato sa kanya at pinayuhang mag-google ang mga ito.

“A little google hurts no one. Check your facts before opening your mouth. Ignorance is a deadly sin,” saad ni Priscilla.

May pa-hashtag pa nga itong “#checkyourfacts” at “#HuwagAkoNadamaySaHiwalayanNgIba”.

May mga komento kasi ang ibang Marites na siya raw ang dahilan kung bakit naghiwalay noon sina Janice de Belen at John Estrada ngunit matagal nang annul ang dalawa nang pumasok si Priscilla sa buhay ng actor-comedian.

Baka Bet Mo: John Estrada sa 12 years na pagsasama nila ni Priscilla Meirelles: ‘Thank you for being the perfect partner, I love you my love!’

Matatandaang 2004 nang mapawalang-bisa ang kasal ni John at Janice habang 2011 naman nang pakasalan siya ng aktor.

Samantala, mag mga nagkalat namang screenshots ng diumano’y palitan ng mensahe ni Priscilla at ng Cebu-based influencer na itinuturo ng netizens na si Chiyo dela Vega.

Ito raw ang babaeng napapalapit sa kanyang asawa at siya rin daw pinatutungkulan ng kanyang Instagram stories.

Ayon sa mga posts ay si Chiyo raw mismo ang nag-post ng screenshot ng usapan nila ni Priscilla ngunit nang tignan namin ang kanyang account ay wala na ito.

Caption pa niya, “Hoy ante abe nakog okay nata…. igo ramn ko nitilaw gd kaisa rajd very light rajd kaayu to ay wala nako muusab kay way lami.”

Base sa screenshot ay pupunta raw si Priscilla sa Cebu ngayong darating na April 6 at inaaya niyang makipagkita sa kausap.

Abangan nalang natin kung true nga ba talagang usapan nila ito ng Cebu-based vlogger dahil for sure ay ibabahagi naman ito ni Priscilla sakaling magkita at magkausap nga sila.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng bawat kampo na sangkot sa isyung ito.

Related Chika:
Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Priscilla Meirelles tuloy ang pa-cryptic post, Janice de Belen nadamay?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending