EA Guzman sa mga kababaihan: Gagalangin, rerespetuhin namin kayo dahil ‘yun ang deserve niyo
NGAYONG Marso ipinagdiriwang ang ‘National Women’s Month’ at tinanong ng BANDERA sa ilang artista kung ano ang kahalagahan ng mga babae sa lipunan at paano mas mapapalakas ang women empowerment.
Paggalang at respeto sa mga kababaihan ang ipinapangako ng aktor na si EA Guzman dahil ito raw ang karapatdapat.
“Sa lahat po ng mga kababaihan, binabati ko po kayo ng Happy Women’s Month. At bilang anak ng aking isang ina, mahal na mahal po namin kayo. Asahan niyo po na ako po, personally, at sa buong pamilya at sa – gagalangin po namin kayo, rerespetuhin namin kayo dahil ‘yun po ang deserve ninyo,” sabi ni EA.
Patuloy niya, “Saludo po ako sa inyong lahat. Hindi lang sa magulang, kundi sa lahat ng mga kababaihan dahil kayo po ang nagpapasaya sa amin. Maraming salamat po.”
Related Chika:
BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.