Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: 'Nanginginig ako sa kakaiyak...I love you so much Ma' | Bandera

Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

Ervin Santiago - March 30, 2023 - 06:49 PM

Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: 'Nanginginig ako sa kakaiyak...I love you so much Ma'

PUMANAW na ang dating sexy actress na si Angela Perez kagabi, March 29. Siya ay 55 years old.

Kinumpirma at ibinahagi ng kanyang anak na si Issa Lim ang malungkot na balita ngayong araw sa pamamagitan ng kanyang social media account.

Stroke ang naging dahilan ng pagkamatay ni Angela, o Rowena Mora, Perez sa tunay na buhay. Nakilala siya sa mundo ng showbiz noong dekada 80.

Narito ang kabuuang mensahe ni Issa sa namayapang ina, “Ikaw ang pinakamahal ko sa buhay, naging spoiled ako sa yo at ikaw lang nakakaintindi sa akin kapag may mga problema ako at kung bakit wala ako sa mood, at ikaw pa yung nagtatanggol sa akin pag may umaaway sa akin at kinakampihan mo ko lagi.

“Lagi tayong magkakasama, hindi pa naman ako sanay na hindi kita katabi o kayakap pag wala ka at mahal na mahal kita sobra Ma.

“Pinakamasakit sa akin na mawalan ako ng nanay at nawala pa ang mahal ko sa buhay. Nanginginig ako sa kakaiyak ko at nalulungkot pa rin ako nang sobra hanggang ngayon. I love you so much, Ma,” pahayag pa ni Issa.

Baka Bet Mo: Vivamax sexy stars Angela Morena, Denise Esteban umaming nakapanood na ng porn; parehong palaban sa hubaran

Ipinakilala si Angela sa pelikulang “Laruan” na ipinalabas noong 1983 mula sa Falcon Films, kung saan nakasama niya si Carmi Martin. Ang iba pa niyang pinagbidahang pelikula ay ang “Alexandra,” “Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan,” “Take-home Girls” at “Hayop sa Sarap.”

Samantala, nag-post din ang nakababatang kapatid ni Angela na si Cathy Mora na dati ring aktres, sa Facebook ng kanyang pamamaalam.

“I am so heartbroken. You left too soon. You know how much I love you. I am at a loss for words…

“Thank you so much for everything, my beautiful sister. I will never forget you.

“Mahal na mahal na mahal kita, Ate ko.  Angela Perez,” pagbabahagi niya.

Isa naman sa mga celebrity friends na unang nakisimpatya at nakiramay sa pamilya ni Angela ay ang veteran character actress na si Melissa Mendez.

“It is with deep sorrow that my dearest friend Angela Perez has passed. I’m still processing it that she left us this early. My heart is broken…” ang nakasaad sa Facebook post ni Melissa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angela Morena kinagat sa labi si Sean de Guzman: Nag-cut na si Direk sa halikan pero ayaw pa niyang tumigil…

Rob Guinto, Angela Morena, Josef Elizalde nadala nga ba sa kanilang love scenes?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending