Angelica super flex sa training nina Eldrew at Elaiza sa Japan

Angelica Yulo super flex sa training nina Eldrew at Elaiza sa Japan

Ervin Santiago - October 23, 2024 - 07:34 AM

Angelica Yulo super flex sa training nina Eldrew at Eliza sa Japan

Angelica Yulo, Mark Andrew Yulo at ang mga anak na sina Eldrew at Elaiza

IBINANDERA ni Angelica Yulo ang pagtungo sa Japan ng dalawa niyang anak para muling sumabak sa mas matineing training para sa gymnastics.

Super flex sa social media ang nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa ginagawang training ng kanyang mga anak na sina Eldrew at Elaiza Yulo sa Japan.

“Lezzgo kiddos,” ang nakalagay sa caption ni Angelica sa kanyang Facebook post.

Kalakip nito ang socmed post ng KG Management, Inc. na siyang namamahala sa pagsasanay ng magkapatid na Yulo sa Japan.

Ayon sa naturang post, isang Japanese coach ang sumusubaybay at nangangalaga ngayon kina Eldrew at Elaiza.

Baka Bet Mo: Carlos tuloy ang laban sa 2025 SEA Games, Eldrew di pa pwedeng sumali

Sabi sa post ng KG, “The Philippine gymnastics athletes, Eldrew and Elaiza Yulo are currently training in Japan under Coach Munehiro Kugimiya.”

“With Coach Kugimiya being their elder brother’s former long-time coach, it seems like fate that they would be trained by the same person who has contributed in shaping the recognition of gymnastics in the Philippines,” ang sabi pa ng KG Management.


Dagdag pa rito, “This training camp is led by Coach Kugimiya, in coordination with Japanese company sponsors gathered with the help of KG Management Inc. Coach Kugimiya said, ‘I hope the two of them can be at ease and train with no worries here.'”

Bumuhos naman ang mga pagbati mula sa mga netizens para sa mga kapatid ni Carlos. Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa FB post ni Angelica.

“Good luck kiddos! Wag kayong makaka limot sa mga magulang nyo pag nag tagumpay na kayo.”

“God bless on your journey,make your mama,papa,lolo and lola proud. God bless and take care!”

“Congratulations Kiddos. You will be trained by the best, not just to get better but to become THE BEST. Good luck kiddos.”

“Just enjoy the training kids wag magpa pressure sa naabot ni kiya basta galingan nuo lang at tiwala sa sarili ,sa coach at lalong lalo na kay God.”

“Good luck both of you yulos Kiddos. Am always praying for your successful journey and good health.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“DIBA dapat may naalala man lang ni Caloy na malaki ambag ng Hapon sa knya? Parang nadagok ata utak nya at nawala ata lahat sa memorya nya ang mga taong nagsupporta sa kanya mula umpisa.. Pero hayaan nlng. GANYAN tlga. Makamit sana ni Elaiza at Eldrew ang tagumpay. Prayers.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending