RK Bagatsing matutupad na ang pangarap makasama sa MMFF Parade of Stars, natakot gumanap na Rey Valera sa pelikula
“UY, makakasakay na ako sa float (Parade of Stars),” ang masayang sagot ni RK Bagatsing nang hingan ng reaksyon sa pagiging entry ng “Kahit Maputi Na ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera)” sa 1st Summer Metro Manila Film Festival.
“First time ko kasing mapasama sa Metro Manila Film Festival, wala pa akong movie na nasama,” aniya.
Nang ialok daw ang karakter na Rey Valera kay RK ay nagsabi kaagad siya na bagama’t kumakanta siya ay hindi naman ganu’n kaganda ang boses niya pero ang katwiran ni Direk Joven Tan ay may mga nai-record na silang mga kanta, kailangan lang ng may gaganap sa nasabing karakter.
View this post on Instagram
“Ngayon kasi sa stage ng career ko ayaw kong maging safe. Sabi ko natatakot ako pero iyan iyong mga gusto kong project ‘yung natatakot ako, so, nag-yes ako sa proyekto,” saad ng aktor.
Hindi naman nagkamali ang Saranggola Media sa pagkuha kay RK dahil mahusay siya sa pelikula at bilang tahimik ding tao ang aktor ay nag-swak sa personalidad niya ang karakter ni Ginoong Rey Valera.
“It’s really a big honor to play Mr. Rey Valera in his biopic. He’s one of our country’s most popular singer-songwriters, with so many hit songs to his credit, so I’m very proud to play him in this movie.
“I did my very best to make sure hindi naman ako mapahiya in portraying him on the big screen,” pahayag ng aktor sa naganap na grand mediacon nitong Marso 25.
Sumakto ulit si RK dahil mahilig siya sa classic songs, “Ako naman po kasi, kumbaga puwedeng sabihin na old soul. Kasi mahilig talaga ako sa classics, e. Matagal na akong nakikinig ng mga ganu’n. Nasa playlist ko iyan.
“And ever since, growing up, pag bumibisita kami sa lola ko… or pag Sunday, di ba, naririnig mo yung mga classics? So naririnig ko iyan.
Baka Bet Mo: Jane Oineza super proud kay RK Bagatsing matapos mapanood ang ‘Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko’
“And ngayon, simula nu’ng ginawa ko yung pelikula ni Sir Rey, meron na akong playlist talaga sa Spotify. Pag nagmamaneho ako, kahit ano. Kasi lahat naman po ng mga kinanta ni Sir Rey ay natutugma sa mga pinagdadaanan mo ano man yun. So naka-ready iyan sa playlist ko,” aniya pa.
Sa entire shooting pala ng pelikula ay hindi nagkita sina RK at Ginoong Rey na ayaw din palang mangyari ng aktor dahil baka mas lalo siyang ma-pressure at mawala na siya sa focus. Ang ginawa niya para makilala niya ang mahiyaing mang-aawit ay nag-research siya sa online.
“Maraming materials online talaga na pinanood ko lang at isinapuso. And tulad ng sinabi ko before, pag nakikinig ka ng mga music niya, in a way parang napapasok ka na sa mindset niya,” saad ng aktor.
View this post on Instagram
Ang challenge lang kay RK, “Kasi ang init talaga nu’ng suot kong wig! Saka meron kaming isang shooting day na sobrang init, ang sakit ng ulo ko the whole time na nagsu-shooting kami.
“Sa bawat eksena, kailangang kalimutan ko yun at gawin ang mga pinapagawa sa akin. Pero other than that, sobrang nag-enjoy ako sa set.
“Kasi ang saya-saya ng buong production, saka si Direk Joven. And para lang akong naglalaro, sa totoo lang. Dahil kumbaga parang in-on ko lang ang radio at nakikinig ako ng mga musika ni Sir Rey. In-enjoy ko lang bawa’t araw na nandu’n ako sa set,” aniya pa.
Anyway, two weeks ago ay may special screening ang Kahit Maputi na Ang Buhok Ko movie at abot-abot ang kaba ni RK dahil isip niya kung ano kaya ang magiging reaksyon ng nasabing music legend, magugustuhan kaya o hindi.
Kaya nang magharap sila, “Kaharap ko na at may mga sinasabi siya sa akin pero tumatagos lang sa kabilang tenga ko and eventually no’ng natapos ang pelikula at nakita kong ngumiti siya and while watching nakita ko tumitingin siya sa amin, gumaganu’n siya (thumbs up), so, unti-unti nawawala iyong kaba namin ni direk Joven.
“Tapos ang una niyang (Rey) sinabi sa akin, ‘alam mo okay ito (pelikula) kasi ang mensahe nito ay inspirasyon para sa mga nangangarap,’” aniya pa.
Anyway, mapapanood na ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko” sa pagsisimula ng 1st SMMFF simula Abril 8 hanggang 18.
Ilan sa mga immortral hit songs ng OPM icon ay ang “Kahit Maputi na ang Buhok Ko”, “Malayo Pa Ang Umaga”, “Mr. DJ”, “Pangako sa Yo”, “Kung Tayo’y Magkakalayo”, “Maging Sino Ka Man”, “Kung Kailangan Mo Ako”, “Tayong Dalawa”, at “Ako si Superman”.
Bukod Jay RK, kasama rin sa movie sina Christopher de Leon, Gelli de Belen, Rosanna Roces, Aljur Abrenica, Rico Barrera, Josh de Guzman, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza.
Osang naging inspirasyon sa paghahanap ng asawa ang mga kanta ni Rey Valera: ‘Pero nabigo ako!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.