Camille todo pasalamat sa mga pulis at iba pang tumulong para ma-recover ang nanakaw na cellphone, pero may nakakalokang hirit sa asawa
ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng Kapuso actress at TV host na si Camille Prats nang maisauli na sa kanya ang nawalang cellphone sa concert ng BLACKPINK last Sunday, March 26, sa Philippine Arena.
Idinaan pa ni Camille sa kanyang social media account ang kanyang taos pusongvl pasasalamat sa lahat ng tumulong para matagpuan ang kanyang cellphone.
Sa kanyang Instagram post, bukod sa kanyang asawang si VJ Yambao ay super thankful din siya sa mga pulis na hindi tumigil para ma-recover ang nawala niyang telepono.
View this post on Instagram
“I want to thank my husband @vjyambao1 for not giving up. Also to kuya @iceyambao who was his tech guy while he was driving. Thaaaank you guys. Akalain mo ‘yun,” ang bahagi ng caption ni Camille sa kanyang IG photo kasama ang mga operatiba ng PNP.
Hirit pa ng Kapuso star, tinulungan siya ng kanyang husband na si VJ na hanapin ang kanyang cellphone para hindi na sila bumili ng bago.
Baka Bet Mo: Vice Ganda may hugot sa pagtulong: Kapag ako ba ‘yung tumulong dapat may presyo?
“I think though that my husband’s motivation in tracking it down was because he doesn’t want to buy me a new phone. Iba din ang kuripot talaga,” birong sey pa ni Camille.
Sa huling bahagi ng kanyang post, pinaalalahanan naman niya ang lahat ng mga smartphone users.
“If you’re using an iPhone, make sure you activate find my phone. It is very helpful. Once locked by the owner, ‘di na siya mauunlock para maibenta ulit. Infairness sa security ng Apple,” sabi ni Camille.
View this post on Instagram
Bago pa magsimula ang concert ng BLACKPINK sa Philippine Arena ay nawala na raw ang cellphone ni Camille na nasa loob ng kanyang bag hanggang sa isang araw ay dinala raw ito sa isang police station.
“We received a call from my brother who knows someone who knows someone working at precinct 6 saying somebody sent my phone there via a motorcycle delivery service. We found the phone!
“We just prayed and prayed that things will fall into place and that God will help us find it. And He did.
“Only He alone can change people’s hearts and that probably led the person who has my phone to eventually surrender it back. They could’ve easily dumped it or threw it anywhere,” ang post pa ni Camille sa kanyang IG.
Sa isa pa niyang post mababasa ang mensaheng, “Don’t be scared to ask for help. God knows our hearts and we really wanted to deal with this as peacefully as we can. No harsh words, no accusations. Never ending pakiusap lang talaga.
“Who would’ve thought na babalik ‘yung phone not by force from the person who has it but by him simply sending it to a police station to return it. Only God can make that happen,” aniya pa.
Kiray Celis nasorpresa sa mamahaling regalo ng dyowa at magulang, netizens napa-‘sana all’
Gigi de Lana ninakawan na nga ng cellphone sa Dubai pinag-isipan pa ng masama
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.