Dennis Padilla super iwas nang makorner ng media sa presscon, ayaw nang sumagot sa mga personal question | Bandera

Dennis Padilla super iwas nang makorner ng media sa presscon, ayaw nang sumagot sa mga personal question

Ervin Santiago |March 27,2023
facebook
share this

Dennis Padilla super iwas nang makorner ng media sa presscon, ayaw nang sumagot sa mga personal question

Ervin Santiago - March 27, 2023 - 11:53 AM

Dennis Padilla super iwas nang makorner ng media sa presscon, ayaw nang sumagot sa mga personal question

Lloyd Samartino, Dennis Padilla, Rey Valera, Rosanna Roces at RK Bagatsing

HALATANG iwas na iwas ang veteran comedian na si Dennis Padilla sa members ng entertainment media nang um-attend sa grand presscon ng pelikulang “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera.”

Isa si Dennis sa powerhouse cast ng naturang pelikula na kabilang sa walong official entries ng 1st Summer Metro Manila Film Festival na magsisimula sa April 8 (Sabado de Gloria).

Actually, patapos na ang presscon ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko: The Music of Rey Valera” nang dumating si Dennis na ginanap last Saturday, March 25. Ang pelikula ay tungkol sa mga kanta ng OPM legend at kung anu-ano ang kuwento sa likod nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)


Si Dennis ang tampok sa kuwento ng kantang “Maging Sino Ka Man,” kasama  sina Rosanna Roces at Ronnie Lazaro. Hirit ng komedyante nang bumati sa press, “Bata pa po ako, talaga pong pinapanood ko na po si Rey Valera.

“Anyway, maganda rin naman ang role ko rito dahil yung kanta na aking isinabuhay ay ito yung pelikulang nagbigay sa akin ng pangalan, yung Maging Sino Ka Man.

“Dahil sa movie na Maging Sino Ka Man, ako yung sidekick ni Robin (Padilla) du’n, ‘tapos si Sharon yung leading lady. At du’n ako nabansagan na Libag.

“Libag ang pangalan ko. Tapos, tamang-tama naman, yun ang pinapelan namin ni Osang. Dahil si Rosanna dito, talagang in love ako sa kanya, kaya lang hindi niya ako pinapansin. Gusto kasi niya, may bayad. Yung akin, libre!” ang natatawa pang pagbabahagi ni Dennis.

Baka Bet Mo: Julie Anne nililigawan na nga ba ni Rayver? ‘Mas okay siguro kung siya na lang po ang tanungin n’yo’

Sa tanong kung ano ang pinakapaborito niyang kanta ni Rey, “Yun nga, yung ‘Maging Sino Ka Man.’ Kasi, very memorable yun hindi lang as a song kundi memorable siya sa career ko!

“Kasi nu’ng kinausap ako ni Boss Vic (del Rosario) nasa GMA 7 ako nu’n, sabi niya, ‘Bibigyan kita ng magandang role kasi ang tatay mo (Dencio Padilla), sidekick ni Fernando Poe, Jr. Ikaw gagawin kong sidekick ni Robin Padilla.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto)


“’Tapos, nu’ng pumutok yung movie, kasabay na ring pumutok yung pangalan ko. At dahil sa movie na yun, nanalo ako ng Best New Actor sa Star Awards,” sabi pa ng komedyante.

Isa pa raw sa favorite niya ay ang, “Ako si Superman Pag Kasama Kita’, bakit? Ahhh, secret!” Na sinundan pa niya ng makahulugang ngiti.

Samantala, pagkatapos nga ng presscon ay nilapitan namin at ng ilan pang miyembro ng media si Dennis para personal na ma-interview. Pero sabi, magsi-CR lang daw muna siya.

Nais lang sana kunin ng media ang paliwanag niya tungkol sa patuloy na pangdededma sa kanya ng mga anak, lalo na si Julia Barretto na inisnab na naman ang birthday greeting niya sa social media.

Ngunit nalaman na lang namin na dumiretso na siya sa Gateway Cinema 5 Dolby Theatre kung saan ipalalabas ang kanilang 1st Summer MMFF entry. Kaya naman nagtungo agad kami roon sa pagbabakasakaling mainterbyu na namin siya.

Nang makita uli siya ng press habang papasok sa sinehan, sinagot naman ni Dennis ang ilang tanong about his new movie pero nakiusap siya na hanggang doon na lamang ang pwede niyang sabihin.

Pagkatapos nito, nalaman namin na pinagsabihan na siya ng kanyang manager na huwag nang magsalita tungkol sa mga anak para wala nang isyu.

Coco ayaw pa ring ibandera ang lovelife: ‘Ba’t ko hahayaang masaktan ako at ang pamilya ko, mas gusto kong tahimik lang’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paulo nagsalita na tungkol sa lovelife: Ako po, si Janine lang ang hinihintay…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending