Sa wakas, Gerald Anderson mapapanood na sa GMA 7; mapapalaban sa ‘Family Feud’ kasama si Kylie Padilla
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gerald Anderson, Senedy Que at Kylie Padilla
NGAYON pa lang ay talagang abangers na ang mga Kapuso viewers sa pagtungtong ng Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson sa bakuran ng GMA 7.
Yes, sa kauna-unahan ngang pagkakataon ay mapapanood sa isang Kapuso program si Gerald kasama ang kanyang leading lady sa pelikulang “Unravel” na si Kylie Padilla.
In fairness, atat na atat nang mapanood ng kanyang mga fans si Gerald sa guesting nito para sa 1st anniversary ng top-rating game show sa bansa na “Family Feud”, hosted by Dingdong Dantes.
Balitang nag-taping na ang boyfriend ni Julia Barretto last Saturday, March 25, para sa “Family Feud” na ginanap sa Studio 7 ng GMA.
Ka-join niyang naglaro si Kylie sa nasabing programa na bahagi naman ng promo para sa pelikula nilang “Unravel: A Swiss Side Love Story”.
Isa ito sa walong official entry ng Mavx Productions para sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na magaganap mula April 8 hanggang April 18.
Sa Facebook page ng creative consultant ng “Family Feud” na si Senedy Que na siya ring sumulat ng kuwento ng “Unravel” makikita ang mga litrato ni Gerald sa loob ng GMA Studio.
Ang nakasaad sa caption, “First time ni Gerald na umapak sa GMA-7 ever at sa Family Feud siya maglalaro to promote Unravel and in celebration of Family Feud’s first anniversary week in April.”
Exciting panoorin ito, in fairness. Tingnan natin kung havey ba o waley ang paglalaro nila ni Kylie sa “Family Feud” and let’s see kung magkakaroon din ba ng special project ang binata sa GMA 7 bilang bahagi ng collaboration effort ng Kapamilya at Kapuso network.
Sa isang panayam naman, sinabi ni Kylie na hindi pa rin siya makapaniwala na nagkasama sila ni Gerald sa isang napakagandang proyekto.
“I still can’t believe that I made the movie. Because what really… I’ve been a supporter. I’ve watched their films. So it’s really an honor for me to be able to work with someone I admire.
“Until now, when I look at the poster, I can’t believe it. It was such an honor because I just observed how he works and I’ve learned a lot,” aniya.
Paglalarawan naman niya sa binata, “Gentlemen. Very gentlemanly. I very much felt like I was a girl. On our set, he really took care of me, in fairness.”