Hugot ni Piolo sa pagiging single: ‘Hindi porket kumakain mag-isa malungkot na, di ba puwedeng nagtitipid lang?’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Piolo Pascual
BENTANG-BENTA sa mga single at wala pa ring lovelife hanggang ngayon ang latest hugot ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.
May kaugnayan ito sa pagkain nang mag-isa at walang kasama. Alam naman ng madlang pipol na certified bachelor pa rin si Papa P and until now ay nananatili pa rin siyang single.
Ang huli niyang nakarelasyon sa showbiz industry ay si KC Concepcion habang wala pa ring linaw kung ano na ang estado ng relasyon nila ng isa pang aktres na na-link sa kanya, si Shaina Magdayao.
Sa viral na ngayong litrato ni Piolo, makikita siyang kumakain nang solo na may nakasulat na mensaheng, “Hindi porket kumakain mag-isa malungkot na, di ba puwedeng nagtitipid lang?”
Hirit pa ng award-winning actor, “Sarap kaya kumain (nang) mag-isa walang kaagaw.”
In fairness, umani ng sandamakmak na comments ang nasabing litrato si Papa P, kabilang na riyan ang nakakalokang post ng aktor na si Joross Gamboa.
“Kami buong pamilya nasa labas di kumakain eh,” barong komento ni Joross.
Kamakailan ay naging hot topic sa social media ang panawagan ng ilang grupo na huwag nang gawing issue o i-judge ang mga taong mag-isang kumakain sa mga public places.
Hindi naman daw porke solo silang lumalafang ay malungkot o hindi na.kumpleto ang buhay nila. Kadalasan ay yun lang ang trip ng mga taong gustong mapag-isa.
Sa isa namang panayam, sinabi ni Piolo na sa edad niya ngayon ay hindi naman siya nape-pressure sa pagiging single, “During this pandemic, I realized, it’s not about having a partner per se but it is about having the independence to just live your life one day at a time.
“This pandemic has taught me a lot about discipline and it taught me to just appreciate life for whatever it gives you by the day,” sabi ni Piolo.
Chika ni Papa P, hindi siya atat na atat na magkadyowa, “Hindi kasi ako naghahanap, eh. ‘Yun ang mahirap dun eh but if there would come a time for me to settle down. I wouldn’t have any criteria or requirements so to speak because at the end of the day it’s about the heart, it’s about your feelings.
“So that person might have something that really compliments you or gives you that feeling of excitement and feeling that you have to be with someone. Hindi naman hinahanap ‘yun, dumarating na lang,” sabi ng aktor.
Naniniwala rin daw siya sa “destiny”, “I believe in something that happens out of fate, something that happens with divine intervention or divine appointments. I believe in magic. I believe in something electrifying.
“Of course, when that person comes, that person will be the ideal partner. Values and your heart is in the right place, and love for family, country, and just having that relationship with the Lord,” lahad ng aktor.