Vice awang-awa sa contestant: Hindi kumakain ‘yung nanay at tatay kasi hindi sapat, hindi ko kaya yun!
Vice Ganda
NAGING emosyonal ang TV host-comedian na si Vice Ganda nang magwagi ang songbayanan na factory workers ng P500,000 jackpot prize sa “Everybody, Sing!” ng ABS-CBN nitong nagdaang Linggo.
Paliwanag ni Vice, tumatak sa kanya ang kwento ng contestant na si Harra na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya at hirap ngayon pakainin ang buong pamilya.
Siyam sina Harra sa pamilya at misan ay hindi na kumakain ang nanay niya para makakain pa ang mga anak, kaya feeling ni Vice, karapat-dapat masungkit ng factory workers ang jackpot.
“Hindi ko kasi kaya ‘yung istorya ni Harra. Hindi kumakain ‘yung nanay at tatay niya kasi hindi sapat. Hindi ko kaya ‘yun, na uuwi siya, tapos mangyayari na naman ‘yun sa kanila,” pahayag ng Phenomenal Box-Office Star.
Dagdag niya, “Maliit na tulong ito, itong bigay namin sa inyo. Bukod sa fun, bukod sa entertainment, gusto namin kayong tulungan. Kung puwede lang namin kayong tulungan lahat. Maliit lang naman ‘yan, pero ang sarap sa pakiramdam.”
Noong Sabado naman (Agosto 28), naging masaya ang kantahan nina Vice Ganda na nagdamit Hello Kitty kasama ang songbayanan na flight attendants na nagwagi ng P35,000 sa jackpot round.
Kuwento nila kay Vice, hindi lang puro paganda ang kanilang propesyon. Kailangan din ng pasensya at mabuting pakikitungo sa iba’t ibang tao.
Ngayong weekend (Sept. 4 at 5), tunghayan ang songbayanan mula sa tourism sector at stage performers. Palarin din kaya sila?
Abangan sa “Everybody, Sing!” kasama si Vice Ganda at ang resident band na Six Part Invention tuwing 7 pm ng Sabado at Linggo sa A2Z, Kapamilya Channel at iba pang platforms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.