Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: 'Nu'ng nawala siya sa 'kin, du'n ko nakita yung worth niya' | Bandera

Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: ‘Nu’ng nawala siya sa ‘kin, du’n ko nakita yung worth niya’

Ervin Santiago |March 26,2023
facebook
share this

Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: ‘Nu’ng nawala siya sa ‘kin, du’n ko nakita yung worth niya’

Ervin Santiago - March 26, 2023 - 07:25 AM

Ruru ginawa ang lahat para mahalin uli ni Bianca: 'Nu'ng nawala siya sa 'kin, du'n ko nakita yung worth niya'

Bianca Umali at Ruru Madrid

“NU’NG mga panahong nawala siya sa buhay ko, du’n ko nakita yung worth niya.” Yan ang realization ni Ruru Madrid nang magkahiwalay sila noon ni Bianca Umali.

Ito’y matapos ngang umamin ang Kapuso actress na tumagal ng walong buwan ang breakup nila ni Ruru bago sila nagkabalikan.

May kaugnayan ang kanilang hiwalayan sa kontrobersyal na parking lot incident noong November, 2019 dahil sa isyu ng selosan.

“The moment na naramdaman ko yung pagkawala niya sa akin, nu’ng mga panahon na nawala siya sa buhay ko, du’n ko nakita yung worth niya, bilang isang tao, bilang isang babae na grabe magmahal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Du’n pa lang po, ginawa ko yung makakaya ko para i-win back siya. At the same time, iparamdam sa kanya kung gaano siya kahalaga at kung gaano ko siya kamahal,” ang pahayag ni Ruru sa naganap na mediacon ng Kapuso series na “The Write One”.

Sabi ng aktor, si Bianca na raw talaga ang gusto niyang makasama forever, sa katunayan, pinaghahandaan na niya ang future nila ng dalaga.

In fairness, very open na sila ni Bianca sa kanilang relationship hindi tulad noon na parang ayaw nila itong pag-usapan in public.

“Actually, right now, parang wala na kaming itinatago when it comes to our relationship.

“Mas masarap sa pakiramdam na kahit papano, alam ng mga taong sumusuporta sa amin kung ano yung estado naming dalawa. At the same time, magkatrabaho kami ngayon,” sey ng hunk actor.

Para naman kay Bianca, pareho na silang mature ni Ruru kaya kering-keri na nilang i-handle ang kanilang relasyon, “It helps din kasi parehas kami pinanggalingan.

“We both have been in real-life couple loveteam situations as well. Him with Gabbi (Garcia) and me with Miguel (Tanfelix). So we both know kung ano yung mga ayaw namin maulit.

“Now that we’re together and working this way, I think we have both been handling everything better. I guess, we both know that fine line between keeping something for us and kung ano yung mga ilalabas namin.

“It’s not easy, yung relationship na maraming tao ang nakakaalam. I guess, nasa sa amin kung hanggang saan lang namin gusto i-share yung relationship,” sey ni Bianca.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


Dagdag pa ni Ruru, “Right now, we just want to cherish every single moment na magkatrabaho kami. Lalo na ako personally, kasi ang dami ko natututunan kay Bianca.

Baka Bet Mo: Robin tinatraydor daw ng senador na kapartido niya, Mariel umalma: Naku, matakot kayo sa Panginoon!

“Kung paano siya magtrabaho, yung ethics niya, kung gaano siya ka-professional, kung gaano siya kagaling na artista, at kung gaano siya kaalaga na girlfriend sa set.

“Sobrang sarap sa pakiramdam na parang lahat nakukuha ko sa set. Andami ko natutunanan, and at the same time, yung pag-aalala na nakukuha sa kanya.I’m just very lucky na nakatrabaho ko siya ngayon,” chika pa ni Ruru.

Samantala, hakot-papuri pa rin ang bagong serye ng GMA Public Affairs na “The Write One” nina Ruru at Bianca. Hindi maikakailang tinututukan ito ng viewers dahil sa mga kapana-panabik na episodes.

Talagang nakaiintrigang malaman kung saan nga ba hahantong ang kwento ng pag-ibig nina Liam (Ruru) at Joyce (Bianca).

Ngayong nasa alternate reality na si Liam, napapanood naman ng viewers ang on-cam chemistry nina Ruru at Mikee Quintos. Si Mikee ang gumaganap bilang Via, ang kasintahan ni Liam sa new timeline.

May kurot sa puso rin ang mga eksena nina Ruru at Lotlot de Leon bilang mag-ina. Tulad ni Lotlot, wala pa ring kupas sa pag-arte si Ramon Christopher na tatay naman ni Ruru sa serye.

Inaabangan at pinag-uusapan talaga ang “The Write One” na napapanood Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA.

Kris Aquino alam na ang kanyang ‘worth’, ‘best role model’ ang yumaong ina

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice: Ayoko nang bumalik sa paghihirap, hello! Nagbabad na ako du’n nang bongga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending