Ebe Dancel may ‘repeat concert’, alay ulit kay Gab: Gusto ko lang siyang tulungan in whatever capacity
NAIYAK at naging emosyonal ang veteran singer-songwriter na si Ebe Dancel sa naganap na zoom presscon kasama ang mga media matapos siyang tanungin tungkol sa upcoming concert.
Ayon kay Ebe, bukod sa maraming fans ang humiling na magkaroon ulit siya ng concert ay inaalay niya rin ito sa may sakit na kaibigan na si Gab Chee Kee, ang ang gitarista ng bandang Parokya ni Edgar.
Para sa kaalaman ng marami, uulitin ni Ebe ang “Sa Wakas: 20th Anniversary” concert sa darating na March 31.
“So days later, I was getting messages and letters from fans asking for a second day. Then we are raising funds for a very good friend of mine who needs help because he has cancer and we want to keep him safe and comfortable,” sey ni Ebe.
Nang tanungin naman siya kung bakit niya naisipang tulungan ang gitarista ng Parokya ni Edgar ay naging seryoso na ang veteran singer at sinabing, “I don’t want him to die.”
Patuloy pa niya, “So gusto ko lang siyang tulungan in whatever capacity. Because this person has been so good to me.”
Baka Bet Mo: Ben&Ben, Zack Tabudlo, Ebe Dancel eeksena sa ‘Zark’s Fest 2023’
“I feel it’s my responsibility to give back. So this I guess is my way of helping him. I want him to be safe. He’s home now so that’s a good thing. But his fight has just begun,” dagag niya.
Aniya pa, “Gusto kong maramdaman niya na kasama niya ako every single step of the way.”
Sinabi rin ni Ebe na mahal na mahal niya ang kanyang kaibigan kaya hindi niya ito pababayaan kahit ano man ang mangyari.
Saad ni Ebe, “I love you. Will fight together. Mas matindi ‘yung laban mo…lagi ko naman pinapaalala sayo na hindi ka namin pababayaan.”
View this post on Instagram
Samantala, tiniyak ni Ebe na ibang-iba ang upcoming concert mula sa nauna niyang pagtatanghal nitong Enero.
Ayon sa kanya, asahan ang mas maraming kanta, katatawanan at ilan pang sorpresa na inihanda nila para sa fans.
Chika ng veteran singer, “The lineup is different. Binawasan na namin. So we can play a longer set kasi nabitin ‘yung – ewan ko kung paano kayo nabitin sa 17 songs. So dadagdagan pa namin ng I think five songs. So it’s gonna be 22.”
“And then there’s gonna be more space this time kasi last time parang naubos ‘yung tickets within, if I’m not mistaken, 24 hours so pinalaki lang namin. The show will be different,” sey niya.
Dagdag pa niya, “So there’s gonna be comedy, there’s gonna be music, then there’s me which is a mix of comedy and music.”
Ani pa ni Ebe, “‘Sa Wakas’ is just parang balik-tanaw ‘yan e. So we’re gonna play mostly Sugarfree songs. Parang hindi naman yata akong papayag na ‘yung mga bago kong kanta ay hindi ko tutugtugin. But the show will focus mainly on old songs.”
Mensahe pa niya sa mga manonood ng kanyang repeat concert, “I just want people to have a good time kasi sila ang humingi nito…ine-enjoy ko lang ang bawat saglit na kaya ko pang gawin ito kasi you never know eh, you never know kung hanggang kailan ko gagawin ito.”
Gaganapin ang “Sa Wakas The Repeat: 20th Anniversary” sa 123 Block, Mandala Park sa Mandaluyong.
Ang presyo ng tickets ay mula P1,500 hanggang P3,500 at mabibili ‘yan sa website na Backspacer Records.
Related Chika:
Heart hindi magpapatalo sa kabit: I’m not gonna give you your happy ending!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.