Ebe Dancel uulitin ang anniversary concert, bahagi ng kikitain ibibigay kay Gab Chee Kee | Bandera

Ebe Dancel uulitin ang anniversary concert, bahagi ng kikitain ibibigay kay Gab Chee Kee

Pauline del Rosario |March 16,2023
facebook
share this

Ebe Dancel uulitin ang anniversary concert, bahagi ng kikitain ibibigay kay Gab Chee Kee

Pauline del Rosario - March 16, 2023 - 04:51 PM

Ebe Dancel uulitin ang anniversary concert, bahagi ng kikitain ibibigay kay Gab Chee Kee

PHOTO: Instagram/@ebedancel

DUE to insistent public demand, magkakaroon ulit ng anniversary concert ang singer-songwriter na si Ebe Dancel.

Uulitin niya ang kanyang “Sa Wakas: 20th Anniversary” concert na unang ginanap noong nakaraang Enero.

Nakatakda siyang magtanghal sa March 31 (Friday) simula 6pm sa 123 Block, Mandala Park.

Kung maaalala, isinagawa ang concert para ipagdiwang ang iconic debut album ng bandang Sugarfree na pinamagatang “Sa Wakas.”

Isa sa makakasama ni Ebe sa upcoming concert ay ang dati niyang bandmate at drummer ng Sugarfree na si Mitch Singson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ebe Dancel (@ebedancel)

Ayon kay Ebe, ang bahagi ng kikitain sa anniversary concert ay ido-donate niya para sa pagpapagamot ni Gab Chee Kee, ang gitarista ng bandang Parokya ni Edgar.

Baka Bet Mo: Ben&Ben, Zack Tabudlo, Ebe Dancel eeksena sa ‘Zark’s Fest 2023’

Magugunitang noong March 10 ay masayang ibinalita ng bokalistang si Chito Miranda na nakauwi na si Gab matapos ang pagkaka-confine sa ospital.

“After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas…pina-uwi na si Gab sa bahay nila,” pagbabahagi ni Chito sa social media.

Ngunit hindi pa natatapos diyan ang gamutan ni Gab dahil kailangan pa niyang sumailalim sa chemotherapy upang malabanan ang sakit na “lymphoma,” isang kanser ng lymphatic system.

Ang presyo ng tickets ng “Sa Wakas The Repeat: 20th Anniversary” concert ay mula P1,500 hanggang P3,500 at mabibili ‘yan sa website na Backspacer Records.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ebe Dancel (@ebedancel)

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jugs Jugueta laging napagkakamalang si Ebe Dancel noon: ‘Buti na lang, nakilala ko si Andie at pinataba niya ako’

Kikitain ng Mother’s Day vlog ni Ivana ido-donate sa mga single mom

#Kampay: Maxene saludo sa palabang ‘self-healers’ na hindi nagpatumba sa mga kalaban

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending