#Kampay: Maxene saludo sa palabang 'self-healers' na hindi nagpatumba sa mga kalaban Bandera

#Kampay: Maxene saludo sa palabang ‘self-healers’ na hindi nagpatumba sa mga kalaban

Ervin Santiago |January 16,2022
share this

#Kampay: Maxene saludo sa palabang ‘self-healers’ na hindi nagpatumba sa mga kalaban

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 02:48 PM

Rob Mananquil at Maxene Magalona

“KAMPAY” para sa lahat ng mga taong patuloy na gumigising, bumabangon at patuloy na lumalaban sa buhay sa kabila ng kinakaharap na mga pagsubok. 

Sinaluduhan ng Kapamilya actress na si Maxene Magalona ang mga Pinoy na hindi pa rin sumusuko sa laban at binigyang-pugay ang lahat ng “strong & brave souls who continue to get up & show up even when it is difficult due to life’s problems.”

Isa si Maxene sa ilang celebrities na walang sawang nagpapakalat ng awareness tungkol sa mental health at sa latest post niya sa Instagram, muli niyang binigyan-diin ang “healing” process kalakip ang mga paalala niya base na rin sa kanyang personal experience.

Aniya sa caption, “Everyone is going through something and what we need to do is learn how to hold space for each other so that we can help each other heal.

“I feel for those who are dealing with a mental health condition because it really isn’t easy to struggle with internal disturbances on a daily basis.

“What people who do not have a mental health condition find hard to understand is that it is a constant battle to come face to face with your inner demons while having to deal with life’s responsibilities,” pahayag ng isa sa cast member ng Kapamilya drama series na “Viral Scandal.”

Patuloy pa niya, “It is not easy to feel unsafe in your own body due to past traumas and have to be okay to be able to handle everyday tasks. This is why I had to find ways to be able to deal with my condition and its symptoms so that I can continue with my life.

“There was no way that I was going to allow this ‘problem’ to take control of my life and make me miserable,” diin pa ng anak ng yumaong master rapper na si Francis Magalona.


Dagdag pa niyang mensahe, “I know the amount of effort & hard work I put into healing and bettering myself. 

“I know the kind of pain that I choose to face and feel and not run away from. This makes me stand tall and proud of the strong and brave soul that I have become,” sabi pa ng aktres.

Sa huling bahagi ng kanyang mensahe, binigyan-diin din ni Maxene na nakaka-relate at naiintindihan niya ang pinagdaraanan ng mga kapwa niya “self-healers.”

“If you’re one of us self-healers who choose to go on this difficult path, I raise my glass and vibration to you. If you want to have a drink or two to be able to alleviate any pain you may be feeling, please go ahead and do so.

“I understand how stressful these times can be so I know how fun it is to drink our troubles away. But before you do, make sure that you have already released negative energy so that you won’t suppress it and turn it into even more stored pain. Cheers!” pagbabahagi ng aktres.

Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na official statement si Maxene tungkol sa chikang hiwalay na sila ng asawang si Rob Mananquil. 

Kumalat ang balitang tapos na ang married life ng celebrity couple matapos tanggalin ng aktres ang apelyido ng asawa sa kanyang handle name sa Instagram.

Burado na rin ang mga litrato nila ni Rob sa kanyang IG page kaya mas umingay pa ang chika na nagkanya-kanya na nga ng landas ang mag-asawa.

Maxene sa paglaban sa mental health problem: It’s OK not to be OK…

Maxene hindi masyadong OK noong holiday season: I thought…why not cry in Boracay

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending